Connect with us

Entertainment

Napakacute na Anak ng Aktres na si Ryza Cenon na si Baby Night Masayang Nagdiwang ng Kanyang ika-9 Months Birthday

Nakakatuwang isipin na ang mga cute na baby sa loob ng ating mga tahanan ay nagsisilbing bundle of joy ng ating pamilya. Kaya naman, katulad ng maraming ina ay malaki ang nabago sa buhay ng aktres na si Ryza Cenon magmula ng dumating ang kanyang panganay na anak na si Baby Night.

Credits: Ryza Cenon | Instagram

Ang mundo ni Ryza at ng kanyang partner na si Miguel Antonio Cruz ay napuno ng saya at kulay sa pagdating ng kanilang gwapong anak na si Baby Night. Ligtas na isinilang ni Ryza si Baby Night noong Oktubre 31, 2020. At tila napakabilis naman ang paglipas ng panahon, dahil ang cute na si Baby Night kamakailan lamang ay nagdiwang ng kanyang ika-9 na buwang kaarawan.

Maliban sa kaligayahan na hatid ni Baby Night sa kanyang mga magulang, ay hindi rin maitago ang paiging proud parents nina Ryza at Miguel na kung saan nga ay madalas ibahagi ang mga cute and adorable photos ni Baby Night sa social media.

At makikita nga na ang bawat milestone ni Baby Night ay proud na ibinabahagi ni Ryza sa kanyang mga tagahanga. Makikita nga na sa bawat buwan na lumipas, ay nakakaisip ng iba’t ibang paraan o style si Ryza para mas lalong maging espesyal ang mga litrato ni Baby Night. Katulad na lamang nga sa kanyang 9 months old celebration na naisipan ni Ryza na magkaroon ng astronaut-themed photoshoot.

Credits: Ryza Cenon | Instagram

Sa mga litrato ay kitang-kita naman talaga ang kacutan at taglay na gwapong mukha ni Baby Night. Sa mga larawan na ibinahagi ni Ryza sa Instagram, ay makikitang enjoy na enjoy si Baby Night sa kanyang suot na astronaut outfit, at tila naman sanay na sanay na rin itong pagpakuha ng pictures dahil marunong na rin itong ngumiti sa harap ng camera.

Sa caption ng post ni Ryza sa nasabing larawan, ay ipinaabot niya ang kanyang pagbati na puno ng pagmamahal.

Credits: Ryza Cenon | Instagram

“My little astronaut.”

“Happy 9 months baby boy. Ang bilis hehehe. Kunti na lang mag 1 yr old ka na. Sana maging mabait kang bata habang lumalaki ka. We love you.”

Credits: Ryza Cenon | Instagram

Hindi na nga mapigilan pa ang paglaki ng gwapong anak ni Ryza dahil ilang buwan na lamang ang hihintayin ay sasapit na ang isang taong kaarawan nito. Agad namang napansin ng mga netizens ang kacutan at gwapong mukha ni Baby Night, dahilan nga para bumuhos ng mga komentong puno ng paghanga ang nasabing post ni Ryza.

Credits: Ryza Cenon | Instagram

Maliban sa nag-uumapaw na kacutan ni Baby Night sa nasabing larawan, ay makikita rin na nagkaroon ng masayang bonding ang kanilang pamilya sa swimming pool. At makikitang enjoy na enioy si Baby Night kasama ang kanyang mga magulang habang naliligo sa pool. Napakacute naman ni Baby Night sa kanyang suot na blue swimsuit na may disenyong baby shark.

error: Content is protected !!