Connect with us

Entertainment

“Nanghihinayang ako sa pera”: Judy Ann Santos, Ibinahagi Ang Dahilan Kung Bakit Hindi Siya Mahilig Bumili Ng Luxury Bags

“Puwede naman ako sa bayong, katsa bag, o sa eco bag”, ito nga ang pahayag ng aktres, chef at celebrity mom na si Judy Ann Santos patungkol sa pagbili at pangongolekta ng luxury bags.

Marami sa mga sikat na artista sa showbiz ang nahuhumaling sa pagbili at pangongolekta ng mga mahahalin at branded na bags. Para sa ilang artista ay isa itong investment lalo na nga’t ang halaga ng luxury bags ay napakamahal, kung saan ay may umaabot pa nga ng milyon-milyon ang presyo. Ang mga luxury bags ay pinagkakaguluhan ng maraming kababaihan, ngunit ibahin ang aktres na si Juday.

Credits: Judy Ann Santos| IG

Kamakailan lamang, ay inamin ni Juday ang dahilan kung bakit hindi siya mahilig bumili at mangolekta ng mga luxury bags. Aminado si Juday na tulad ng ibang babae ay gusto rin niya ang mga luxury bags ngunit, hindi niya raw magawa ang bumili ng marami.

Credits: Judy Ann Santos| IG

Pag-amin nga ng aktres, bagama’t gusto niya ang luxury bags, ay nanghihinayang siya sa perang ibibili dahil bag lamang ito pero sadyang napakamahal ng presyo. Biro nga ni Juday, ay gagamit na lamang siya ng bayong o katsa bag. Mas gugustuhin pa raw niyang ibili ng pagkain o kaya ay ipang gas sa sasakyan ang perang ibibili niya ng bag.

Credits: Judy Ann Santos| IG

“Mahilig ako, pero hindi ko kayang bumili. I mean, hindi kaya ng puso ko. Nanghihinayang ako sa pera. Kasi bag lang siya. Puwede naman ako sa bayong, o katsa bag, o sa eco bag.”

“Kaya ko bumili ng branded na bag basta installment. Iba-iba lang talaga tayo. Pero sa akin…bibili nalang ako ng pagkain, or ipaga-gas ko nalang ito sa sasakyan.”

Credits: Judy Ann Santos| IG

Ibinahagi naman ni Juday na nagkaroon naman siya ng dalawang luxury bags. Isang brown carryall na Hermès, at isang classic flap bag na black na mula naman sa Chanel. Ayon naman kay Juday, ang bag na kanyang binili ay talagang nagagamit niya saan man siya magpunta at bagay rin sa kahit ano niyang isuot dahil sa neutral color nito. Nais rin ng aktres na ang kanyang nabibiling luxury bags, ay maaari niyang maipamana sa kanyang mga anak.

Credits: Judy Ann Santos| IG

“May binili akong Hermès na bag. Tinanong ko [kung] pwede ba ‘tong installment. O pwede, so check. Tinignan ko muna kung kasya yung mga gamit ko. Kasya—o, check. Anong kulay? O, brown. Check na check! Napaka-neutral ng color niya: Kahit anong suot ko, pwede siya kasi hindi naman ako mapormang tao. Kailangan ko ng very neutral na bag.”

Labis nga ang panghihinayang ni Juday sa pagbili ng luxury bags dahil sa nakakalula nitong presyo. Ayon nga sa aktres, ang isang bag na nagkakahalaga ng P400,000 ay marami nang mabibiling grocery.

Credits: Judy Ann Santos| IG

“Ang mahal mahal naman kasi. P400,000 para sa isang bag—Panginoong Diyos ko naman! Ang daming grocery na nun, ang daming truffle oil na nun.”

error: Content is protected !!