Connect with us

Entertainment

Nanay ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez, Ipinagtanggol Ang Kanyang Anak Mula Sa Mga Bashers Kaugnay Sa Relasyon Nito Kay Aljur Abrenica

Mainit na pinag-uusapan ngayon ng publiko ang isyu tungkol sa relasyon ng seksing aktres na si AJ Raval at aktor na si Aljur Abrenica. Marami ang kumakalat na espekulasyon sa social media patungkol nga sa namumuong ugnayan nina AJ at Aljur.

Credits: Alyssa Alvarez | Fb

Isa nga sa nakaagaw ng pansin ng mga netizens ay ang Tiktok video ng nanay ni AJ Raval na si Alyssa Alvarez kung saan ay makikitang kasama nito ang aktor na si Aljur Abrenica. At dito nga, ay mas lalong tumibay ang hinala ng mga netizens na may relasyon nga sina AJ at Aljur. Inulan ng samu’t saring komento ang nasabing Tiktok video at nakatanggap nga ng hindi magagandang komento ang ina ni AJ.

Credits: Alyssa Alvarez | Fb

May isang netizen ang nagsabi na mas maganda umano si Kylie Padilla na dating asawa ni Aljur, kumpara sa anak ni Alyssa na si AJ. At dito nga, ay matapang na sinagot ni Alyssa ang komento at sinabing wala naman raw sa kanyang post ang kanyang anak pero bakit ito idinadamay.

Nabigyang linaw naman kung ano talaga ang namamagitan kina AJ at Aljur matapos basagin ng aktres ang kanyang pananahimik at magsalita kaugnay sa isyu. At ayon nga kay AJ ay totoo na nanliligaw sa kanya si Aljur. Ang panliligaw rin ni Aljur kay AJ ay alam rin umano ng mga magulang ng aktres.

Bilang isang ina naman, ay ipinakita ni Alyssa sa kanyang anak na si AJ ang kanyang pagsuporta. At tila nga hindi kayang makita ni Alyssa na nasasaktan ang kanyang anak dahil sa mga basher nito. Kaya naman, kamakailan lamang ay ipinagtanggol ni Alyssa si AJ mula sa mga bumabatikos sa relasyon nito kay Aljur.

Credits: Alyssa Alvarez | Fb

Credits: Alyssa Alvarez | Fb

Nito lamang ika-8 nang Oktubre nang ibahagi ni Alyssa ang larawan ni Aljur kasama ang kapatid ni AJ na si Ace Raval. Ang nasabing post ay agad na pinutakte ng mga basher, hindi naman nagpatalo si Alyssa at matapang niyang sinagot ang mga negatibong komento na ibinabato sa kanyang anak.

Credits: Alyssa Alvarez | Fb

May isang tagasuporta naman ang nagkomento ng screenshot patungkol sa Tweet ni Kylie, kung saan nga ay nagsasabing walang problema sa aktres kung ang dati niyang asawa na si Aljur ay makipag-date sa iba. Dahil matagal na nga silang hiwalay at may usapan sila na maaari silang makipag-date sa iba.

Agad naman itong sinagot ni Alyssa at sinang-ayunan ang komento.

Ayon nga kay Alyssa, “oo nga eh… Mga wala na cguro magawa mga taong yun.bored na bored na sya.”

Naging mainit naman ang sagutan ni Alyssa at mapanghusgang netizen sa comment section ng kanyang post. Hindi pinalampas ni Alyssa na sagutin ang mga komento ng basher na nanghuhusga sa pagkatao ni Aljur. At base nga kung paanong ipagtanggol ni Alyssa ang aktor, ay tila nga botong-boto ito kay Aljur para sa kanyang anak.

Isa namang makahulugang post ng patama sa mga basher ang ibinahagi ni Alyssa.

Credits: Alyssa Alvarez | Fb

“Sino ka para humatol sa aking buhay? Alam ko na hindi ako perpekto, at kailanman ay hindi ako magiging perpekto. Pero bago mo ako husgahan, siguraduhin mo munang wala kang bahid ng kasalanan.”

error: Content is protected !!