Connect with us

Entertainment

Personal Assistant ni Papa P na si Moi Bien May Nakakatuwang Mensahe sa Beteranong Aktor “Naku lagot baka tayo talaga”

Sa loob ng mahabang panahong pananatili ng aktor na si Piolo Pascual sa industriya ng showbiz, ay may isang tao siyang naging karamay at malaki ang naitulong sa kanyang buhay. Ito nga ay walang iba kundi ang kanyang personal assistant na si Moi Bien o kilala rin sa kanyang tunay na pangalan na Hatima Marcampo. Sa maraming taon na sila’y nagkasama, ay hindi maikakaila ang kanilang pagiging malapit sa isa’t isa. Maging sa nag-iisang anak nga ni Piolo na si Inigo Pascual, ay malapit rin si Moi. At tila nga isang tunay na kapamilya na ang turing ni Piolo sa kanyang personal assistant na si Moi.

Photo credits to the owner

Kaya naman, sa pagsapit ng ika-45th birthday ni Piolo ay isang madamdamin ngunit nakakaaliw na mensahe ang ipinaabot ni Moi Bien sa kanyang amo na nakasama na niya ng mahabang panahon.

Sa kanyang Instagram post, kalakip ang larawan na sila’y magkasama ni Piolo, ay sinabi ni Moi na kapag umabot na sa edad na 50 ang aktor at wala pa rin itong nobya na makakasama sa buhay, ay baka raw sila talaga ang itinadhana sa isa’t isa.

Photo credits to the owner

“Happy birthday my Mayor youre the best!! and your the yummiest, the yummyer? Hehehe. I love you beri beri Much!! Ikaw lang yung habang tumatanda lalong sumasarap!! ahahaha!”

“Pag di ka pa nakapag asawa tapos 50 years old kana!! Naku lagot baka tayo talaga!! wahahahaha happy birthday.”

Hindi naman maikakaila na mensahe ni Moi, na bagamat may halong pagbibiro ay mababakas parin ang pagmamahal niya kay Piolo bilang kanyang amo.

Photo credits to the owner

Tuwang-tuwa naman ang maraming netizens at tagahanga ni Piolo sa mensahe ng pagbati ni Moi sa kanya. Ang ilan nga ay sumang-ayon pa sa biro nito na baka sila talaga ang nakatadhana sa huli. Bumuhos naman sa comment section ng post ang mga pagbati at reaksyon ng mga netizens.

“Happy birthday the pogiest Papa P.”

“Happy birthday Papa P! I wish that your 2022 may be filled with many blessings and good health. Miss na kita!”

“Happy b-day may ex husband kht sa panaginip lang my wish is always safe and good health…love u more.”

May ilan ring celebrities ang nag-iwan ng komento sa nasabing post ni Moi para batiin si Piolo.

Mensahe ni Allan K, “Happy birthday Papa P!”

Sabi naman ng film producer na si Neil Arce, “Bata pa lang ako pinapanood ko na yan.”

Photo credits to the owner

Sa tagal nga ng kanilang pinagsamahan ay naging loyal at hindi umalis sa tabi ng aktor ni Moi kahit nga isa na rin itong kilalang komedyante sa industriya ng showbiz. Hindi naman talaga matatawaran ang kanilang magandang samahan. At makikita nga sa social media ang kanilang kasweetan na kung saan nga ay madalas mag-bonding. Kahit naman na isa nang kilalang artista si Moi sa showbiz, hanggang ngayon nga, ay personal assistant parin ni Piolo si Moi at patuloy ring tinutulungan ang aktor sa mga gawaing bahay.

Photo credits to the owner

Tunay na kahit anong mangyari ay hindi iiwan ni Moi si Piolo, at sa isang panayam nga ay isang pangako ang kanyang binitawan. Sa nasabing panayam rin ay naibahagi ni Moi na kaya niyang isakripisyo ang lahat para kay Piolo.

“Hindi talaga. Nandu’n pa rin yung communication namin. Kung may time ako, tutulong ako, ayun po. Ayoko po nu’ng iiwanan siya kasi ang laki ng utang na loob ko du’n sa tao, wala akong masabi sa kabaitan niya. Yung communication namin, yung ano naming dalawa, naroon pa rin.”

Photo credits to the owner

“Ako, ginawa ko na! Oo, kasi matagal na ako sa kanya, e. Kumbaga, para sa akin, kaya kong ipagpalit yung kaligayahan ko para… alam mo yung ganu’n? Para sa kanya.”

“Like kunwari imbes na mag-day off ako or mag-ano ako, uunahin ko muna yung trabaho ko kasi gusto ko maayos muna lahat bago ako, bago ang sarili ko. Ganu’n!” pahayag pa ni Moi Bien.

error: Content is protected !!