Connect with us

Entertainment

Nakakatuwang Paraan ng Pagpapatulog ni Erwan Heussaff sa Kanilang Anak ni Anne Curtis na si Baby Dahlia, Kinagiliwan ng mga Netizens

Ang anak ng celebrity couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie, ay isa sa mga naghahatid ng goodvibes sa mga netizens dahil sa kanyang taglay na kacutan at maamong mukha. Talaga nga namang ang munting bata na ito, ay pinanggigilan kamakailan ng mga netizens. Ito nga ay matapos ipakita ni Erwan ang nakakatuwang paraan ng pagpapatulog sa cute na anak nila ni Anne.




Sa Instagram account ng food vlogger na si Erwan, ay ibinahagi niya ang isang maikling video kung saan mapapanood ang biglaang paghiga ni Baby Dahlia matapos marinig ang tila magic word mula sa kanyang daddy. Mapapanood sa video na masayang gumagapang si Baby Dahlia sa kanilang higaan at tila ayaw pang matulog. Ngunit sa pagbigkas nga ng salitang French na “Dodo”, ay bigla na lamang ngang nahiga at natulog si Baby Dahlia.

Nilakipan naman ito ng caption ni Erwan na:

“Dodo is a magic French word.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)

Tila nga nakakita ng solusyon si Erwan upang patulogin agad si Baby Dahlia. At tila nakakaintindi na si Baby Dahlia ng salitang French at tumalima agad ito sa kanyang Daddy Erwan.

Samantala, matapos naman mapanood ang video ng brother-in-law ni Erwan na si Nico Bolzico, ay mukhang nais rin nitong matutunan ng kakaibang paraan ng pagpapatulog. Si Nico ay asawa ng kapatid ni Erwan na si Solenn Heussaff at ang mag-asawa ay may isang taong gulang na anak. At tila nga, ang nakakatuwang paaraan ni Erwan sa pagpapatulog ng bata ay siya rin niyang gagawin sa anak nila ni Solenn na si Baby Thylane.

Komento nga ni Nico sa nasabing Instagram post ni Erwan,

“Teach me your ways master.”




Hindi naman nag-atubiling sumagot si Erwan sa kanyang brother-in-law at sinabi:

“@nicobolzico you’re not worthy”

Samantala, sa Instagram ni Nico, ay ibinahagi naman niya ang maikling video kung saan sinubukan niyang gayahin ang paraan ng pagpapatulog ni Erwan. Mapapanood sa video na gumagapang si Baby Thylane sa kanilang higaan, ngunit nakatatlong beses bigkasin ni Nico ang French word na “Dodo” bago ito tuluyang nahiga. Tila hindi naman epektibo ang naturang paraan kay Baby Thylane, hindi tulad kay Baby Dahlia na isang beses lamang sinabi ang magic word ay sumunod na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)

Giliw na giliw naman ang mga netizens sa adorable video ni Baby Dahlia. Narito nga ang komento ng mga netizens:

“Playing the video over again and again. Kakatuwa naman si Dahlia.”
“Hahahaha soooo cuuuutttee video on replay”
“she is definitely French so cute haha”

“May nagkomento namang natizens para kay Nico. Saad nga nito “@nicobolzicoi think someone’s better in putting their baby to sleep now HAHAHAHA”

error: Content is protected !!