Connect with us

Entertainment

Nakakatuwang Palitan ng Mensahe ng Aktres na si Alex Gonzaga at Pekeng Account ni Mommy Pinty sa Twitter, Kinagiliwan ng mga Netizens

Hindi maikakaila na marami ang napapasaya ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga dahil sa kanyang kakulitan at pagiging masayahin. Kaya naman, marami sa kanyang mga tagahanga ang nakasubaybay sa buhay niya.

At kamakailan nga, ay marami ang natuwa matapos ianunsiyo sa isang vlog ng aktres na si Alex at nobyo nitong si Mikee Morada na noong nakaraang buwan pa ng Nobyembre sila ikinasal.




Hindi nga maitago ang saya ng kanilang mga tagahanga sa magandang balita na ito. At marami nga ang nagpaabot ng pagbati sa newly wed kung saan ipinakita ang kanilang pagsuporta at pagmamahal sa mag-asawa.

Photo credits: Alex Gonzaga | IG

Ngunit, isang post sa Twitter mula sa pekeng account ni Mommy Pinty, ang umagaw sa atensyon ng mga netizens na kanilang kinagiliwan.

Photo credits: Alex Gonzaga | IG

Matapos batiin si Alex, saad naman ng huwad na Mommy Pinty, sana raw ay mag-mature na ito. Nagbiro pa ito ang sinabi “putukan na”.

“Congrats to my dearest bunso Catherine Gonzaga-Morada! may asawa kana sana mature kana din, I love you bunso, putokan na!!!”

Photo credits: twitter

Nasundan pa ang post na ito ni “Mommy Pinty” at sinabi na kapag wala na sina Alex sa bahay, ay pwede na umano silang mag-34+35 ng kanyang asawang si Bonoy. Ngunit, paglilinaw nito ay sa Tiktok umano ang ibig niyang sabihin.




“Sa susunod na wala na si Catherine sa bahay, pwede na kami mag 34+35 ni bonoy ng malaya sa bahay.”

Sa ngayon ay nakikipisan ang mag-asawang Alex at Mikee sa bahay ng magulang ni Alex, habang hindi pa natatapos ang kanilang ipinapagawang bahay.

Photo credits: Alex Gonzaga | IG

Samantala, talagang pumatok at kinaligiwan ng mga netizens ang palitan ng mensahe ni Alex at fake account ni Mommy Pinty sa Twitter. Hindi nga ito nakaligtas kay Alex, ay sinagot pa ang pekeng Mommy Pinty kung saan ay umandar rin ang kanyang pagiging kwela.

Narito ang kanilang pag-uusap:

“Mommy Pinty: Congrats to my bunso! Pwede na maputokan
Alex: Anong pwede na? Tapos na!
Mommy Pinty: Ahh kaya pala pag linis ko ng kwarto amoy zonrox? Best wishes nlng sa inyo.”

Bagama’t madalas mapanood sa mga vlog ni Alex ang kanilang pagkokontrahan, ay hindi naman maitatanggi na isang mabuti at mapagmahal na ina si Mommy Pinty sa kanyang mga anak. Samantala, nilinaw naman ni Alex na walang Twitter account ang kanyang ina at asawa.

“Wala po twitter ang nanay at asawa ko fyi lang! 😬”

Tila may pang-aasar rin na post ang huwad na Mommy Pinty para sa ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine na kumontra noon sa kasal ng kanyang anak kay Matteo Guidicelli noong Pebrero 20, 2020.

“Sana ol diba happy para sa anak kung ikakasal, diba Mommy Divine? chos lovelovelove”

error: Content is protected !!