Connect with us

Entertainment

Nakakamanghang “Skypod” Ng Mag Asawang Slater Young at Kryz Uy Sa Cebu Ipinasilip

Isa ang celebrity married couple na si Slater Young at Kryz Uy sa mga hinahangaan na personalidad sa Pilipinas na nagmamay-ari ng maganda at kakaibang disenyo ng bahay.

Sino ba naman kasi ang hindi mapapa-wow sa ganda kapag nakita na ang kanilang napaka modernong industrial glass house na tinawag nilang ‘Sky Pod,’ ito ay hango sa initials nilang dalawa (Slater-Kryz Young) at matatagpuan sa Cebu.

Matatandaan na unang umagaw ng pansin ng publiko ay ang high-profile na kasalan ng naturang Pinoy Big Brother Unlimited winner na si Slater Young at sikat na vlogger na si Kryz Uy noong Pebrero nakaraang taon. Pagkatapos naman nito ay ang kanilang big announcement sa social media noong Nobyember 2019, kung saan ibinahagi ni Kryz na siya ay nagdadalangtao na sa kanilang unang anak.



Kaya naman pinaghahandaan na nila ang pagsimula ng paglaki ng kanilang pamilya sa paglipat sa kanilang dream home.

Sa YouTube channel na ipinost ng expectant mom noong nakaraang Disyembre ay nagbigay ito ng humigit kalahating oras na house tour kung saan makikita ang ganda ng kanilang bahay na dinisenyo ng LLG Architects.

Narito ang ilan sa mga highlights ng kanilang Cebu Skypod:

 

Kung titingnan mula sa labas, bakas na agad ang pagka elegante nito lalo na sa gabi kung saan nahihighlight ng mga ilaw ang ganda ng bahay. Gawa ito sa pinaghalong wooden, metal at concrete fixtures at aramihan sa mga dingding ay yari sa salamin kung kaya naman napakaaliwalas ng buong bahay. Dahil na rin sa natural na liwanag galing sa labas ay nadadagdagam pa ang pagka open at airy ng kanilang space.

photo credit: Slater Young | Instagram

photo credit: Slater Young | Instagram

Pagdating sa interyor ay gumamit sila ng gold and green accent, mayroon din napakalawak na pool na matatagpuan sa gitna ng kanilang bahay.

Photo credit | Slater Young | Instagram

Sa living area naman ng kanilang Skypod ay perfect ang mountain view sa labas habang ngrerelax ang celebrity couple sa kanilang large sectional sofa.



Matatagpuan naman sa kanilang dining area ang kanilang 10-seater dining table at leather na upuang regalo di umano ng ama ni Slater Young sa kanila. Sa taas nito ay mayroong nakasabit na art piece na tinatawag na Limbo, binili nila ito mula sa sa kilalalang Filipino industrial designer na si Kenneth Cobonpue.

Photo credit: Slater Young | Instagram

Photo credit: Slater Young | Instagram

Ipinakita din ng mag asawa ang kanilang pinaka favorite spot, walang iba kundi ang kanilang napakagandang kitchen. Fully equipped ito ng mga modern appliances, mayroon ding wooden bar stools na galing sa Design Story at hanging lamps mula sa Lumina Concepts.

Photo credits: LLGarchitects | Facebook



Photo credits: LLGarchitects | Facebook

Ilan pa nga sa ipinasilip nila ay ang kanilang guest room, personal gym area at ang office space ni Kryz na tinawag niyang “Pink Room.” At syempre hindi mawawala ang kanilang master’s bedroom na nagtataglay ng basic furniture gaya ng kama, side tables at massage chair, pati na rin ang kanilang master’s bathroom na talaga namang mala hotel sa ganda.

error: Content is protected !!