Connect with us

Entertainment

Nakakalulang Net Worth Ni Sarah Geronimo Mahigit Php 3.8 Billion Nga Ba?

Matapos ang naging kontrobersyal sa kasal ng sikat na mang-aawit na si Sarah Geronimo at aktor na si Matteo Guidicelli, na kung saan ay hindi sinang-ayunan ng ina ni Sarah na si Mommy Divine.

Photo Credit: Google Image




Marami ang nagtatanong kung ano nga ba ang dahilan nito kung bakit tutol ito na maging masaya ang kanyang anak sa piling ni Matteo.

Photo Credit: Matteo Guidicelli Instagram

Si Sarah ang nagsisilbing breadwinner sa kanilang pamilya, na kung saan ang Popstar Princess ay naghahanap buhay upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya at tinutulungan ang kanyang pamilya nang halos kalahati nang buhay niya. Kaya naman panigurado na natatamasa ng mga ito ang masaya at maayos na buhay na bunga ng pagsusumikap ni Sarah sa trabaho.

Photo Credit: Sarah Geronimo-Guidicelli Fan Instagram




Sa mga naunang panayam kay Sarah, matatandaan na sinabi ng singer na ang kanyang inang si Mommy Divine ang humahawak ng mga perang kanyang kinikita sa trabaho. Ngunit, hindi niya umano ito iniisip dahil labis ang kanyang pagmamahal at respeto sa kanyang ina. Hanggang noong taong 2018 nga sa naganap niyang concert sa Las Vegas, hindi napigilan ng sikat na singer ang maging emosyonal sa harap ng kanyang mga tagahanga at kanyang sinabi sa mga ito na nakakaramdam siya ng kakulangan sa kanyang sarili sa kabila ng namamayagpag at matagumpay niyang karera.

Photo Credit: Sarah Geronimo-Guidicelli Fan Instagram

Ngunit, magkano nga ba ang kinikita at naging kayamanan ng singer na bunga ng kanyang pagsisikap? Dahil sa pagkakaroon ng Data Privacy Law ay inihinto ng BIR ang pagbabahagi ng listahan ng mga top tax payer ng ating bansa noong taong 2016, ngunit bago pa man maisapatupad ito ay naibahagi na Bureau of Internal Revenue (BIR) ang annual list ng mga top tax payers dito sa Pilipinas, at ang sikat na singer na si Sarah Geronimo ay nakabilang sa mga ito.

Photo Credit: Sarah Geronimo-Guidicelli Fan Instagram

Nang taong 2009, nagbabayad lamang siya ng Php 4.89 Million mula sa ulat ng kanyang kinita na Php 15 milyon, at ang halagang ito ay lumaki ng lumaki habang paganda nang paganda at patuloy na namamayagpag ang kanyang karera. Kaya naman nang mga sumunod na taon ay nagbayad na siya ng Php 14.83 bilang tax mula sa Php 46 milyon ng kanyang kita.




At nang taong 2014, dahil sa pag-arangkada ng kanyang karera ay mas lalo pang tumaas ang halaga ng kanyang binabayarang tax. Na kung saan ay umabot na ito sa halagang Php 21.47 milyon mula naman sa Php 61.09 milyon ng kanyang kita.

Photo Credit: Sarah Geronimo-Guidicelli Fan Instagram

Kilala si Sarah bilang isa sa mga hinahangaang personalidad sa industriya bilang isa sa mga pinakamayamang artista na kabila’t kanan ang mga proyekto, endorsements, concert at maging mga show kaya naman hindi mawari ng mga netizens kung magkano ang kanyang kinikita. Ngunit sa nagdaang taon na 2009 hanggang 2014, sa loob lamang ng anim na taon ay nakakalula na ang kanyang kinita dahil ayon sa Esquire Mag, kumita umano siya ng Php 230 milyon o tumataginting na $4.3 milyon.

Photo Credit: Sarah Geronimo-Guidicelli Fan Instagram

Dahil nga wala ng ibang paraan upang malaman ang kabuuang halagang kinita ng singer at kung magkano ang halaga ng buwis na kanyang binabayaran dahil sa Data Privacy Law at pagiging pribado o konpidensyal ng bawat detalye, ay masasabing ang mga halagang nabanggit ay tatantyahin na lamang natin ito kung magkano ang inabot ng kanyang kinita.

Ayon naman sa pag-estima ng CELEBRITY NET WORTH niya, ang kasalukuyang kita ni Sarah ay umaabot na sa halagang $10 million o Php 509.42 million. Samantalang ang Online blog net worth status naman niya sa kasalukuyan ay umaabot sa halahang $75 million o Php 3.8 billion.




Nakakalula pala talaga ang halaga ng mga kinikita ni Sarah, walang duda na talagang nangangamba ang ina nitong si Mommy Divine. Bagama’t ang nakakalulang halaga ay tantyado lamang, sadyang napakayaman parin ng mahusay na mang-aawit na si Sarah na talaga nga namang karapat-dapat niyang matamo dahil sa kanyang sipag at tiyaga sa trabaho.

error: Content is protected !!