Connect with us

Entertainment

“Nagulat ako, pinakitaan ako ng naipon niya!” Comedy Queen Ai Ai Delas Alas Proud na Ibinahagi na Nakabili ang Kanyang Mister ng Mamahaling Sasakyan

Malaking bagay nga ang naitutulong sa ating buhay ng pagiging masinop sa pera. At kapag ang perang kinikita sa trabaho, o anu pa mang pinagkakakitaan ay pinapahalagaan, ay nagagawa nating makapag-ipon.

Hindi madali ang mag-ipon sa dami ng gastusin, ngunit kapag may goal ka na nais marating ay hindi ito imposible.




Katulad na lamang nga ng asawa ni Ai Ai Delas Alas na si Gerald Sibayan, na nakabili ng bagong sasakyan mula sa kanyang sariling ipon. At kamakailan nga, ay proud na ibinahagi ni Ai Ai ang bagong achievement ng kanyang asawa.

Photo credits: Gerald P. Sibayan | IG

Sa Instagram, ay buong pusong ipinagmalaki ni Ai Ai ang kanyang asawang si Gerald matapos makabili ng bagong Mercedes Benz mula sa perang pinag-iponan nito. Ayon nga sa komedyante, ay nakita niya kung paanong nagsumikap at nagpursige si Gerald para matupad ang pangarap nitong mabili ang dream car. Isang bagay rin ang may malaking naitulong sa kanila, na talagang napakaepektibo, “ang Law of Attraction”.

“LAW OF ATTRACTION! Flex ko lang and asawa kong masipag at determinado sa buhay. Nakakatuwa tong tao na to pag sinabi nya mangyayare talaga nagugulat na lang ako.”

Pinasalamatan naman ni Ai Ai ang mga may-ari ng dimsum company dahil sa online franchise business concept, ay napakalaking tulong kay Gerald na naging kaagapay at siyang pinagkakaabalahan noong kasagsagan ng pandemya.

“At syempre dapat magpasalamat sya saken na pinayagan ko syang bumili kasi nakita ko naman paano sya maghirap sa araw araw mag puyat sa presentation para sa maga bagong franchisee walang oras puyat to the max dahil ibang franchisee nasa ibang bansa na iba iba oras.”

Hindi rin nakalimutan ni Ai Ai na magpasalamat sa Diyos sa mga biyayang ipinagkakaloob sa kanila ng kanyang asawa.

“At higit sa lahat sa ating panginoong DYOS na laging naka gabay sa amin mag asawa at sa mga blessings nya samen.”




Samantala, ibinahagi naman ni Ai Ai na noong una ay hindi siya pumayag na bumili ng sasakyan si Gerald. Nagsimula nga ang lahat sa isang biruan, na ang akala ng komedyante ay biro lang talaga ng asawa. Ngunit, laking gulat niya na lang nang makabili nga ito ng sasakyan dahil sa Law of Attraction.

Ibinahagi naman ni Ai Ai ang kanilang pag-uusap ni Gerald na nagbibiruan sa balak nitong bumili ng sasakyan.

Gerald: darl bili ako kotse ah…

“Ai Ai: wag ka nga darl may pera ka ba? Magtigil ka NGA.

“Gerald: Meron.

“Ai Ai: Nasan patingin?

“Gerald: Law of attraction (tumatawa).

“January: same converstion may kasama na kong punyeta kasi nakukulitan nako sa kanya ayoko talaga,” sabi pa ni Ai Ai.

At pagsapit nga ng Pebrero 15, ay pumayag na si Ai Ai bilang regalo umano ni Gerald sa kanyang sarili. At dahil nga, pinatunayan talaga ni Gerald na epektibo ang Law of Attraction, ay talagang proud na proud si Ai Ai sa kanyang asawa.

“Sabi ko kaya ako may perang ganyan kasi artista ako… (magaling mag ipon si mr law of attraction).”

“So eto na nga may benz na ang lolo naten. I AM SO PROUD OF YOU HUSBAND PAWER!!!! @gerald_sibayan”

error: Content is protected !!