Connect with us

Entertainment

“Nagtinda ako ng bangus. Ako mismo nagde-deliver”, Aktor na Si Neil Coleta Ibinahagi na Nagtinda ng Bangus Noong Panahon na Nawalan Siya ng Proyekto sa Telebisyon

Noong kasagsagan ng pandemya sa ating bansa ay marami nga sa ating mga kababayan ang tunay na naapektuhan, at karamihan nga sa mga ito ay nawalan ng hanapbuhay. Isa nga sa mga industriya na pinaka-naapektuhan noon ay ang industriya ng showbusiness kung saan marami sa mga artista ang nawalan ng proyekto.

Photo credits: Neil Coleta | IG

Ang aktor na si Neil Coleta ay isa lamang nga sa mga artista na nawalan ng proyekto sa panahon ng pandemya, at dahil dito ay kinailangan niya ngang dumiskarte at maghanap ng ibang mapagkakakitaan.
Kamakailan nga lamang ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Neil sa naganap nga na 6 th invitation celebrity badminton tournament ng Philippine Movie Press Club, na ginanap noong ika-8 ng Abril taon ng kasalukuyan sa Powerplay Badminton Center.

Photo credits: Neil Coleta | IG

Sa nasabing panayam nga ay ipinagtapat ng aktor kung ano ang pinagkakitaan niya noong mga panahon na nawalan siya ng proyekto. ibinahagi pa niya na ang trabahong ito umano ang nakatulong sa kanya upang maitawid ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Photo credits: Neil Coleta | IG

“Nagtinda ako ng bangus, kumuha ako sa Dagupan.
“Ayokong matapos ang buhay ko na malungkot, toxic na nga, papa-toxic-in mo pa ang sarili mo.
“Wala na ngang pumapasok na pera sa iyo, made-depress ka pa?”
Ayon nga kay Neil nagtinda siya ng bangus ng mga panahon na wala siyang proyekto sa telebisyon. Kuwento pa niya, kahit na may maar ingang sabihin ang ibang tao tungkol sa pinagkakakitaan niya, ay hindi niya to iniinda o iniisip, dahil tanging mahalaga ay marangal ang kanyang ginagawa at nakakatulong ito sa pagtustos sa pangangailangan nila ng kanyang pamilya.
“Walang arti-artista ngayon, e. Lahat tayo pantay-pantay that time. Naisip ko, paubos na ang kapital ko, e, yung inipon ko.
“Sabi ko sa sarili ko, ‘Mag-business ako na di kailangang ikahiya.’
“Sobrang proud ako, ang daming natuwa sa akin kasi ako mismo ang nagde-deliver. Imagine, nagbebenta ako ng bangus.
“Nagde-deliver ako pag may kumukuha sa Quezon City, minsan nag-aalok ako sa mga bahay. Malaki ang kita.”
Ibinahagi rin ni Neil na may mga ilang mga customer na nagulat ng makilala siyang artista. At hindi rin niya naiwasan na makaranas ng pangungutya o pagtawanan ng iba. Saad pa niya, sa karanasan niya na pagtitinda ng bangus, ay doon niya nalaman na tunay na hindi pala madali ang ganitong trabaho.
“Yung iba ang iniisip, ‘Wala ka na bang pera?’ Hindi, hindi sa ganun yun.
“Marami naman, pero gusto ko naman enjoy-in, something new naman. Gusto ko ring ma-experience yung buhay ng ibang tao.
“Ang hirap pala, kasi pag nagtinda ka ng bangus, pagtatawanan ka.”

Photo credits: Neil Coleta | IG

Sa kasalukuyan nga ay tila naman natigil na sa pagtitinda ng bangus si Neil, ngunit siya ay mayroon na rin namang negosyo at ito nga ay ang kanyang liquor store na hanggang ngayon umano ay patuloy pa rin namang maganda ang progress.

Photo credits: Neil Coleta | IG

Mas lalo pa ngang inspirado na magtrabaho ngayon si Neil dahil sa pagiging isa na niyang ganap na ama. Sila nga ng kanyang non-showbiz live-in partner na si Chin Kee ay mayroon ng anak na babae at ito nga ay ang pitong buwang gulang ng si Baby Jazmin Chinnei.

error: Content is protected !!