Connect with us

Stories

“Nagdilim ang paningin ko at bumagsak ako sa puno” Robin Padilla Idenetalye ang Nakakatakot na Karanasan sa Spain ng Isugod sa Ospital

Kamakailan lamang ay masayang nagbakasyon ang pamilya ni Robin Padilla sa Spain. Kasama niya ang kaniyang asawa na si Mariel at ang kanilang mga anak ngunit nauwi sa matinding pagkatakot ang kanilang masayang bakasyon dahil sa hindi inaasahang karanasan ni Robin.

Photo credits: marieltpadilla | IG

Kwento ni Robin, nasa isang parke siya at ang kaniyang buong pamilya nang bigla na lamang siyang nakaramdam ng panghihina at matinding pagkahilo dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ayon kay Robin,

“Napakahirap intindihin ng nangyari sa akin. Wala akong kahit anong sakit pero bigla na lang nawalan ng lakas ang tuhod ko habang naglalakad sa parke dahilan para kagyat ako umupo sa ilalim ng puno. Nagdilim ang paningin ko at bumagsak ako sa puno sa likod ko. Hilong-hilo ako.”

Photo credits: marieltpadilla | IG

Dagdag pa ni Robin, sa kabutihang palad ay mayroong espanyol na may mabuting puso na tumulong sa kaniya lalo na at wala si Mariel sa kaniyang tabi.

Lalong lumubha ang naramdaman ng aktor kaya naman minabuti niyang pumunta agad sa isang ospital,

“Nahihirapan na ako huminga. Bumibigat ang dibdib ko. Kailangan ko na pumunta sa ospital.”

Photo credits: marieltpadilla | IG

Dahil dito, humingi siya ng tulong mula sa ilang kababayan sa Spain. Sinubukan din niyang tawagan ang embahada ng bansa sa Spain upang humingi ng karagdagang tulong. Sa kabutihang palad, agad na natunton ni Robin ang isang clinic kung saan binigyan siya ng agarang atensiyon. Dito na rin nalaman ang kaniyang napakataas na blood pressure.

Dahil sa nakaka-alarmang kalagayan ni Robin, agad na tumawag ng ambulansya ang clinic na ito kung saan nabigyan ng karagdagang lunas at mga gamot si Robin. Bagamat nag-alala nang husto ang pamilya ni Robin, kalaunan din ay naging maayos ang kaniyang kalagayan.

Photo credits: marieltpadilla | IG

Agad ding sumaklolo si Ambassador Lhuillier mula sa embahada ng Pilipinas sa Spain. Nagdesisyon rin ito na isugod sa isang ospital si Robin upang masuri siya ng mga eksperto.

Pagbabahagi naman ni Robin, marahil ay epekto lamang ito ng kaniyang edad o kaya naman ay ang matinding stress at pagod na kaniyang naranasan noong panahon ng pangangampanya. Sa kabutihang palad, sa kasalukuyan ay tuluyan nang naging maayos ang kalagayan at kalusugan ng aktor ayon sa kaniyang manager.

error: Content is protected !!