Connect with us

Entertainment

“Nagba-browse na ako ng motor” for food delivery”: JC Santos, Inamin na Muntik ng Tumigil sa Showbiz Matapos Mahinto sa Trabaho Dahil sa Pandemya

Dahil sa hindi inaasahang pagdating ng pandemya, ay marami nga ang naapektuhan kung saan ay nawalan ng hanapbuhay at pinagkakakitaan.

Katulad na lamang ng aktor na si JC Santos na muntik ng sumuko, at iwan ang showbiz. Bilang isang artista nga, ay malaki ang pag-aalala ni JC kung makakapag-shooting pa ba sila ng pelikula o kaya naman ay kung makakapagtaping pa ng teleserye.

Photo credits: JC Santos | IG

“Challenging iyong idea na hindi ko alam kung magkakatrabaho ako.Actually iyon iyong pinakamahirap. Hindi ko alam kung kailan magkakatrabaho, at siyempre, nasanay ka na every month, may dumarating, alam mo iyon?”

Photo credits: JC Santos | IG

Isa ang larangan ng media sa mga naapektuhan ng pandemya na kung saan noong nakaraang taon ay ipinagbawal ang taping ng mga teleserye. Kaya para kay JC, ay hindi niya alam kung anong gagawin. Sabayan pa nga ito ng pagsasara ng ABS-CBN Network, kung saan siya nagtatrabaho.

“Tapos biglang, uy, wala!’Tapos nagsara yung network.’Tapos hindi mo alam kung ano’ng mangyayari bukas, ‘tapos, lumalala iyong [COVID-19] cases. So that was really bad for me.”

Nito lamang ika-29 ng Marso, ay nakapanayam ng Pep si JC para sa pelikulang “Dati at Doon”. Sa nasabing panayam ay ibinahagi ni JC, ang kanyang pinagdaanan sa gitna ng pandemya kung saan ay muntik na siyang tumigil sa pag-aartista.

Ayon sa kwento ni JC, ay nasa punto na raw siya kung saan naghahanap na siya na bagong mapagkakakitaan. At ito nga ay maging isang delivery rider. Ang nasa isip na raw noon ni JC, ay huminto sa pagshoshooting at maging delivery boy na lamang.

“Umabot na ako sa nagba-browse na ako ng motor ‘tapos sinabihan ko na iyong wife ko na, ‘Magluto ka, ilagay natin sa garapon, ide-deliver ko na.’Papunta na ako sa, ‘Itigil ko na muna kaya itong shooting-shooting?’Kasi kailangan… andun na ako sa pambayad ng bills at future, e.”

Photo credits: JC Santos | IG

Hindi naman maikakaila na sa kabila ng pag-aalala sa estado ng kanyang trabaho, ay may magandang dulot rin ang quarantine sa buhay ni JC. Kahit nga nahihirapang labanan ang pandemya, ay nagkaroon naman ng oras si JC upang makabonding at maalagaan ang kanilang napakacute na anak ng kanyang asawang si Shyleena Herrera na si Baby River Altheia na ngayong Abril ay 1 year and 2 months old na.

“Pero the part na I have a newborn and I’m taking care of her, so sobrang nagbago iyong mindset ‘tsaka yung emotional side ko. At iyon yung good side na nangyari sa akin nung lockdown nung 2020.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JC Santos (@j.c.santos)

Pagbabahagi naman ni JC, kapag natapos na ang pakikipagsapalaran ng lahat sa pandemya, at nanumbalik na sa normal ang lahat, ay nais ni JC na dalhin sa ibang bansa ang kanyang ina upang magkaroon ng masayang bakasyon.

“Matagal na kasi naming plano ng wife ko na lumabas ng bansa, iyon talaga iyong gusto namin, mag-travel. Lalo na ngayon, lagi lang nasa bahay iyong baby, so gusto sana namin mag-travel pagkatapos ng lahat ng ito. Gusto kong pumunta kung saan-saan, oo, ma-explore man lang iyong mundo ulit.”

Photo credits: JC Santos | IG

Isa nga sa bagay na natutunan ni JC habang nakikipaglaban sa pandemya, ay ang magkaroon ng oras sa pamilya. Ngayon nga, ay isang hands on daddy si JC sa kanyang anak na talagang sinasamantala ang mga oras upang makasama ito habang hindi pa gaanong abala sa trabaho.

error: Content is protected !!