Nag Viral sa Social Media ang Guwardiyang ito Matapos Tulungan ang Isang Aplikanteng Hindi Makapasok sa Inaaplyan Dahil sa Ito ay Naka Tsinelas

Maraming malalaking kompanya ang mahigpit pagdating sa kanilang panuntunan at isa dito ay ang pananamit ng kanilang mga empleyado o kaya naman mga aplikante.







Isang halimbawa nalang ay kapag naka shorts o di naman kaya naka tsinelas, siguradong sa gate pa lang ay haharangin na ng mga guwardiya.

Katulad nalang ng kuwento ng isang lalaki na magpapasa lang sana ng kanyang medikal na dokumento ngunit hindi pinapasok dahil sa naka tisenelas lang ito.

Buti na lamang, isang guwardiya ang nagmabuting loob at inalok na gamitin muna ang kanyang sapatos para lang ito makapasok.

Ang guwardiyang ito ay nag-viral sa social media dahil sa kanyang kabutihang loob matapos tulungan ang isang aplikante ng kanilang kompanya na makapasok at maipasa ang mga dokumentong kailangan nitong isumite para makuha ang trabahong inaapplyan nito.

Isang netizen na nagkataon na isa din palang aplikante ang nakakita sa buong pangyayari. Ibinahagi ng nasabing netizen sa social media ang storya ng guwardiya at ng aplikante at agad naman nag viral matapos ito mabasa ng mga netizens.

Umani ng samot saring komento at papuri ang guwardiya matapos kumalat ang kanyang istorya.

Ayon sa Facebook page na “Headlines SA PINAS,” isinalaysay ng isang aplikante ang kanyang nasaksihan nang makita niya ang isang lalaki na gusto sanang pumasok sa isang kompanyang inaaplyan upang ipasa ang mga dokumentong dala nito.

Nais ng lalaking iyon na ipasa ang kanyang medikal na dokumento ngunit hindi siya maaaring pumasok sa loob ng pasilidad dahil sa mahigpit na panuntunan ng kompanya pagdating sa pananamit.




Ayon sa nakasaksi na nakasuot lamang ng tsinelas ang lalaking aplikante kaya naman sa gate palang ay hinarang na agad siya ng guwardiya at hindi pinapasok.

Pero imbis na pauwiin ng guwardiya ay laking gulat ng lalaki ng biglang inalok nito ang kanyang sapatos para lang makapasok sa loob at maipasa ang mga dala nitong dokomento.

Napakabuti ng ginawa ng guwardiya dahil inisip niya ang kapakanan ng iba bago ang sarili niya. Kung tutuusin, maaaring siya pa ang mapahamak sa kanyang ginawa dahil posible siyang makita ng mga tagapamahala ng kumpanya na naka tisenelas at maaring mapagalitan ng wala sa oras.

Maraming sa mga netizens ang natuwa at humanga sa ipinamalas ng guwardiya at dahil dito maaaring tumaas ang tsansa na makuha ng aplikanteng iyon ang trabaho na kanyang inaapplyan.

Anong masasabi niyo sa guwardiyang iyon? Ibahagi ang inyong reaksyon sa artikulo na ito.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *