Connect with us

Entertainment

Nag-iisang Anak Nina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco na si Dominique Cojuangco Engaged Na Sa Kanyang Non-showbiz Boyfriend

Kamakailan lamang ay masayang-masaya ang unica hija nina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco na si Dominique Cojuangco. At ang dahilan ng kasiyahan ng nag-iisang anak nina Gretchen at Tonyboy, ay dahil inalok na ito ng kasal ng kanyang showbiz boyfriend na si Michael Hearn.

Credits: Dominique Cojuangco | IG

Sa isang Instagram post, nitong nakaraang ika-14 ng Oktubre ay masayang ibinahagi ni Dominique na engaged na siya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Michael. Sa nasabing IG post, ay ibinahagi ni Dominique  ang sweet photo nila ni Michael. At makikita na suot ng anak ni La Greta sa kanyang daliri ang isang napakaganda at mamahaling diamond ring.

Credits: Dominique Cojuangco | IG

Nilakipan naman ito ng simpleng caption ni Dominique na nagsasabing “For life” na may malalim ngang kahulugan. Sa unang larawan ay makikitang nakapatong ang kamay ni Dominique sa balikat ni Michael kung saan kitang-kita ang ganda ng makinang niyang engagement ring na isang diamond ring na may malaking bato. Sa pangalawang larawan naman ay makikita ang mga kamay nina Dominique at Michael, kung saan nga ay agaw pansin ang engagement diamond ring ng anak ni La Greta.

Credits: Dominique Cojuangco | IG

Samantala, matapos naman ibahagi ni Dominique ang kanyang kaligayahan para sa panibagong journey at paghahanda sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib, ay agad namang inulan ng pagbati ang kanyang post mula sa mga kaibigan sa showbiz. Ilan sa mga nag-iwan ng komento at naging masaya rin para sa dalaga ay sina Laureen Uy, Maureen Wroblewitz, Liz Uy, at Isabelle Daza. Nagpaabot rin ng pagbati ang ilan pang artista kagaya nina Dominic Roque at Iza Calzado.

Ang tiyahin naman ni Dominique na si Claudine Barretto ay binati rin ang kanyang pamamgkin at nag-iwan ng komento na nagsasabing:

Credits: Dominique Cojuangco | IG

“Congratulations my Baby. so happy for you [three hearts emojis]”

Makikita naman sa Instagram ni Michael na ibinahagi rin niya ang sweet photos nila ni Dominique at nilakipan ito ng sweet na caption na nagsasabing:

“On to the next chapter with dominique”

Credits: Dominique Cojuangco | IG

Ang 26-year-old fashion designer at model na si Dominique ay masayang-masaya sa piling ng kanyang fiancee na si Michael, isang businessman. Ang relasyon nga dalawa ay low key lamang, kung saan nga ay mas nais nila ng pribadong relasyon. Ayon naman sa ilang ulat, ay noong 2019 nang magsimula at malaman ng madla ang kanilang relasyon. Base naman sa kanilang Instagram accounts ay pareho silang mahilig sa pagtatravel.

Credits: Dominique Cojuangco | IG

Hindi naman nagbigay ng detalye ang magkasintahan kung kailan nila balak magpakasal. Ngunit, ngayon pa lang ay tiyak na marami na ang nakaabang sa kanilang pag-iisang dibdib.

error: Content is protected !!