Connect with us

Entertainment

Nag-iisang Anak Ni Jodi Sta. Maria Na Si Thirdy, Binatang-binata Na Ngayon At Lumaking Napakagwapo

Hindi nga halos makapaniwala ang aktres na si Jodi Sta. Maria na ang kanyang nag-iisang anak na si Thirdy ay isa na ngayong ganap na binata. “Baby no more” na nga ang dating cute na batang inalagaan at pinalaki ng aktres.

CREDITS: Jodi Sta. Maria| IG

Sa mga hindi nakakaalam ang nag-iisang anak ni Jodi na si Thirdy, ay anak ng aktres sa kanyang dating asawa na si Panfilo Lacson Jr, na siyang sinundan ng pangalan ng binata na Panfilo Lacson III dahilan nga kung bakit “Thirdy” ito kung tawagin.

CREDITS: Jodi Sta. Maria| IG

Tila nga napakabilis ng paglipas ng oras sa mga magulang na kagaya ni Jodi na palaging kasama at kabonding ang anak. Ngayon nga, ay single mom si Jodi sa kanyang anak matapos nilang maghiway ng kanyang dating asawa. Ngunit, hindi naman ito naging hadlang para maramdaman ang kakulangan ng kanyang unico hijo. Sa katunayan nga nito, ay araw-araw na ipinaparamdam ni Jodi ang kanyang labis na pagmamahal kay Thirdy bilang isang ina.

CREDITS: Jodi Sta. Maria| IG

Walang sandaling pinapalampas ang aktres para makasama at makabonding ang kanyang anak. Sa social media nga ay makikita ang mga larawan na nagpapatunay ng masaya nilang samahan. Si Thirdy rin ang nagsisilbing travel buddy ni Jodi kung saan nga ay kasa-kasama ng aktres saan mang lugar siya magpunta.

CREDITS: Jodi Sta. Maria| IG

Madalas ngang ibahagi ni Jodi sa kanyang Instagram ang masasayang bakasyon nila ni Thirdy sa loob at labas ng bansa. At kamakailan lamang nga, ay isa na namang masayang bakasyon ang pinuntahan ng mag-ina. Sa isang IG post ay ibinahagi ni Jodi na nagtungo sila sa napakagandang isla ng Boracay para mag-enjoy sa beach. Sa bawat larawan ay makikita ang masaya nilang bonding, kung saan nga ay talagang nag-enjoy ang mag-ina.

CREDITS: Jodi Sta. Maria| IG

Samantala, sa matulin na paglipas ng sandali ngayon nga ay binatang-binata na si Thirdy, at hindi rin maikakaila na lumaki itong isang napakagwapong binata. Sa isang larawan ay makikita na mas matangkad pa si Thirdy sa kanyang ina, sa edad niya ngayong 16 taong gulang.

CREDITS: Jodi Sta. Maria| IG

Sa taglay namang kagwapuhan ni Thirdy ay hindi na nakapagtataka kung may girlfriend na ito. Matatandaan nga na noong nakaraang taon nang ibahagi ni Jodi sa isang vlog na hindi niya inaasahan na may girlfriend na ang kanyang 15 anyos na anak. Bagama’t, ikinagulat ni Jodi ang pagkakaroon ng kasintahan ng kanyang anak, ay tila nga hindi na niya mapigilan ang panahon, dahil binata na nga ito at marunong ng umibig.

CREDITS: Jodi Sta. Maria| IG

“Alam ko naman na darating ‘yung time na magkakaroon ng girlfriend si Thirdy. It came as a surprise lang to me dahil parang hindi ko ini-expect na ito na, agad-agad, now na! Mas na-surprise, iyon ‘yung aking initial reaction.”

error: Content is protected !!