Connect with us

Entertainment

Nadine Lustre, Pinabilib Ang Mga Netizens sa Kanyang Maangas Na Dating Habang Sakay ng Kanyang Bagong Biling Ducati Scrambler Sixty2

Ang napakaganda at seksing aktres na si Nadine Lustre ay pinag-uusapan ngayon sa social media matapos mamataang bumibili ng bago at mamahaling motorsiklo.

Credits: Nadine Lustre | IG

Kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang mga larawan ni Nadine, kung saan ay makikitang nasa loob siya ng Ducati Manila sa Quezon City. At dito nga, ay napag-alaman na bumili si Nadine ng isang mamahaling motorsiklo na Ducati Scrambler Sixty2.

Makikita sa ilang larawang ibinahagi sa social media na pinasalamatan si Nadine ng staff ng Ducati Manila sa pagbili ng mamahaling motor sa kanilang branch. At makikita na talagang ganitong uri ng motorsiklo ang nais ni Nadine, na hindi lamang basta-bastang motor ang halaga. Base nga sa MotoDeal, ang halaga ng biniling Ducati Scrambler Sixty2 big bike ni Nadine ay nagkakahalaga ng P499,000.

Credits: Galiyamarie | twitter

Talaga namang bigating motor ang nabili ni Nadine kaya naman nang masilayan ng netizens ang pagsakay niya dito, ay marami rin ang napabilib. Sa ibinahaging video ay makikitang nag-eensayo si Nadine sa pagmamaneho ng bagong biling big bike kasama ang kanyang ama.

Samantala, base naman sa ilang post na kumalat rin sa social media, ay nakasaad na matagal nang pangarap ng mag-ama ang makabili ng maganda at mamahaling big bike. At ngayon nga, ay naisakaturan na ito ng mag-ama, kung saan ay pareho na nilang ini-enjoy ang pagpapaandar at pagmamaneho ng magara at bigating big bike.

Credits: Galiyamarie | twitter

Hindi naman nakaligtas sa mata ng mga tagahanga ni Nadine ang nasabing video. Matapos nga makita ng kanyang mga fans, ay umano ng paghanga si Nadine at marami ang nagsabi na tila isang Badass chic ang datingan ng aktres habang sakay ng kanyang big bike.

Kapansin-pansin naman na kinakabahan si Nadine, nang mag-isa niyang minaneho ang big bike ngunit kalaunan nga ay tila natututunan na niya itong dalhin ng maayos. Sa kanyang suot naman na all black outfit na pinaresan ng suot na helmet ay talaga namang napakaangas ng dating ni Nadine.

Dahil nga dito, ay inulan siya ng samu’t saring komento mula sa mga netizens at karamihan sa mga ito’y puno ng paghanga.

Credits: Galiyamarie | twitter

“grabehan ‘to. service nya lang siguro sa Siargao yan. EZ Bugatti Ducati 500k cash”

“Angas mo dyan mareng Nadine”

“Napaka astig naman ni Nadine Badass chic talaga”

“BADASS NADINE LUSTRE!! YAS GIVE IT TO US!”

“Angas pariho Sila ni James Reid Ng motor”

“Apaka mahal ng bagong hobby nila James at Nadine. But it’s from their hard work so it’s okay!”

Kamakailan lamang nang magbakasyon si Nadine sa isla ng Siargao, at doon ay naispatan ang aktres na nakaangkas sa motor kasama ang kanyang rumored boyfriend na si Christopher Bariou.

error: Content is protected !!