Nadine Lustre Niregaluhan Ni Xian Gaza Ng Sasakyang ‘Mustang’ Na Punong-puno Ng Bulaklak Para Sa Nalalapit Na Araw Ng Mga Puso

Hanggang ngayon marami pa rin mga ‘JaDine’ fans ang hindi makapaniwala na hiwalay na kanilang mga idolong sina Nadine Lustre at James Reid.

Photo Credit: Nadine Lustre Instagram

At talagang hindi nila maiwasan na malungkot na matapos ang ilan taon ng maganda nilang pagsasamahan ay tatahakin ng kanilang mga idolo na magkaiba na ang mga landas.




At ngayong papalapit na ang araw ng mga puso ay hindi maiwasan ng mga humahanga kay Nadine ang magparamdam ng kanilang espesyal na damdamin matapos ngang maging single na ang magandang Kapamilya artist. At kahit pa kasalukuyan na

Photo Credit: Nadine Lustre Instagram

Samantala, hindi naman maitatanggi na maraming mga binata ang nagnanais na makakuha ng atensiyon ng aktres kung sakaling muli niyang buksan ang puso para sa pag-ibig. At isa na nga dito ay ang gwapong binata na si Xian Gaza na nais magkaroon ng pagkakataon na makilala pa at kung papalarin ay maging ka-close pa si Nadine.

Photo Credit: Xian Gaza Facebook

Kilala ang binata dahil sa mga kontrobersiyal na pamamaraan nito ng pagpapakita ng kanyang paghanga sa mga napupusuang babae. Katulad ng niligawan niya ang magandang aktres na si Ella Cruz at maging ng yayain niyang lumabas ang Kapamilya artist na si Erich Gonzales sa isang coffee date. Masasabing naging ugali na talaga niya na magpakita ng kakaibang bagay upang makakuha ng atensiyon.




At ngayon isang kakaibang bagay na naman ang kanyang ginawa upang mapansin at makuha niya ang atensiyon ni Nadine. Para sa nalalapit na Valentine’s Day ay binigyan niya ang ‘Ulan’ actress ng isang mamahaling sasakyan.

Photo Credit: Xian Gaza Facebook




Sa kanyang facebook account ay ibinahagi niya ang larawan ng regalo niyang ‘Mustang’ na napapaligiran ng maraming Bulaklak.

Photo Credit: Xian Gaza Facebook

““Dear Nadine Lustre,

First of all, Happy Valentine’s Week! Sana ay nagustuhan mo at nawa’y tanggapin mo ‘tong “Bouquet of Mustang” na regalo ko para sayo.Since my teenage days, KSP na talaga ako. Whenever I really like someone, gagawin ko ang lahat-lahat para makuha ang atensyon nung babaeng gusto ko in the grandest way possible within my means. Just like my ligaw efforts to Ella Cruz way back 2016 and so with my epic fail billboard for Erich last 2017. – Three years after, here I am again. Nagpapapansin naman this time sayo(Nadine). Maaari nanamang magmukhang tanga at katatawanan ng publiko but idgaf sa opinyon ng iba. This is me, this is how I express myself, this is the way I am”

Pag-amin pa niya.




Photo Credit: Xian Gaza Facebook

Sa kabilang banda, nagpaliwanag naman siya na wala siyang masamang intensiyon at pakahulugan sa pagbibigay niya ng mamahaling ‘Bouquet of Mustang’ para 26 na taong gulang na celebrity star.

“Maybe iisipin ng madlang people that this Ford Mustang is too much, na parang binibili kita at yung pagkababae mo. Nope! It’s just that my financial capacity at the moment is a little bit good and I believe that you deserve to be the first ever person in the Philippines to receive a “Bouquet of Mustang” as a Valentines gift because that’s how high I value you as a woman.
-All I want is to be your acquaintance, nothing more nothing less.

Happy Valentines to you, Nadine.

Christian Albert Gaza”

Paglilinaw pa ng binata.

Photo Credit: Xian Gaza Facebook

Ilang mga netizen ang hindi naiwasang magbigay ng kanilang komento at opinyon sa kakaibang regalo ni Xian para kay Nadine.




“Mhadz De Ramos -SANA ALL HAHAHAHAHHAAH ❤️🤣”

“Mark Jayson Warnakulahewa -Sana hindi to Scam 😂 anywy bro goodluck 1Love Xian”

“Dave Villanueva -KSP din ako Idol pero uunahin ko nalang i-date family ko bago gumastos sa hindi pa ako sigurado hehe but keep it up”

“Nhoie Gurrobat -Kahit kelan ka tlaga xian! Hahahahaha”

“Kobe Arizala -THAT’S THE KSP LEVEL I STRIVE FOR! 💯🔥”.