Connect with us

Entertainment

Nadine Lustre, Ipinasilip ang kanyang Plant Shop Business na Pinapatakbo ng kanyang Ina, Ibinahagi din na Nakapag-Move On na Sa Break Up Nila ng Kanyang Ex-Boyfriend na si James Reid

Kamakailan lamang ay nakasama at nakakwentuhan ng singer-actress na si Nadine Lustre si Karen Davila kung saan ay ipinasyal niya ito sa plant shop ng kanyang ina sa Quezon City. Ang plant shop business ay pinapatakbo ng ina ni Nadine na si Myraquel Paguia-Lustre.

Bagama’t, madalas ibahagi ni Nadine sa kanyang social media ang Ms. Betty Blooms, ay nilinaw ni Nadine na ito’y pagmamay-ari ng kanyang ina, at tinutulungan lamang niyang i-promote ang business nito lalo na nga’t hindi raw ito techy.

Matatagpuan ang plant shop ng kanyang ina sa The Pop Up sa Katipunan sa Quezon City. At makikita nga ang magagandang klase ng halaman at mga indoor plants na talatang magandang ilagay sa loob ng bahay tulad ng Fiddle Leaf Fig Tree at Monstera Deliciosa.

Photo credits: Karen Davilla | Youtube

Samantala, matapos ilibot ni Nadine si Karen Davila sa loob ng shop, at naipaliwanag ang ilang bagay tungkol sa mga halaman, ay nagkakwentuhan naman sila tungkol sa personal na buhay ni Nadine. Napag-usapan nga nila ang tungkol sa break up ni Nadine at ex-boyfriend nito na si James Reid. Maging ang tungkol sa pagpanaw ng kapatid ni Nadine na si Isiah.

Photo credits: Karen Davilla | Youtube

Ayon nga Nadine, ay normal na tao lamang siya na dumadaan sa healing process. At para sa break up nila ni James na nangyari noong November 2019, ay mas pinili niyang mag-grow para sa kanyang sarili. Pag-amin nga ni Nadine, malaki ang naitulong sa kanya ng music para makapag-move on siya. Maliban sa nagpakabusy siya, ay nalibang rin siya sa pagsusulat ng mga kanta. Kwento pa ni Nadine, dahil nga maganda naman ang kanilang paghihiwalay ni James ay nanatili parin ang kanilang magandang samahan bilang magkaibigan.

“Healing naman kasi is I guess a general thing for me. Even with my brother’s death, I’m still healing. It still gets me. Healing is a long process. You never stop healing from anything.”

“I just work on myself. The [song]writing helped a lot. Working on the album, I kept myself busy. I got more close to my family. Starting nu’ng lockdown actually, that’s when I, for some reason, started to hang with my family.”

“The breakup happened November pa of last year. We were talking about it na. It wasn’t really a bad breakup. We just wanted to work on ourselves.”

Photo credits: Karen Davilla | Youtube

Binigyang diin rin ni Nadine na ang paghihiwalay nila ni James, ay pareho nilang desisyon. Bagama’t maraming nalungkot sa kanilang paghihiwalay, ay kailangan umano nila itong gawin alang-alang sa kanilang sarili, pamilya at maging sa kanilang karera.

“I get that people are sad about it, but for us, it was a mutual decision. He had to take care of his family, focus on his career. And I had to focus on my career and take care of my family as well.”

“That’s why we remain friends. Like there’s no bad blood or anything.”

Ibinahagi rin ni Nadine ang kanyang naramdaman nang mga sandaling umalis siya sa bahay ni James. Ayon nga sa aktres, ay ito ang sandaling kailangan niyang harapin ang bagong mundo at magsimula ng panibagong buhay.

“When I moved out, you know, it was like the start of a new chapter. Kasi I had to grow. We both had to grow.”

“I believe naman kasi that if guys are meant to be together, it will fall into place. It’s just that we really wanted to work on ourselves.”

Photo credits: Karen Davilla | Youtube

Samantala, pagdating naman sa kanyang pumanaw na kapatid na si Isiah, ay hindi maitago ni Nadine ang kanyang kalungkutan. Ngunit, sa kabila ng nangyari sa kanila ni James, ay malaki ang pasasalamat niya rito dahil ito umano ang kanyang naging sandigan sa habang nagluluksa sa kanyang kapatid.

“I remember when my brother pulled the switch, siya talaga ‘yung naging crutch siya for me. Kasi I was so depressed. Like I couldn’t eat, I had no appetite. Like down talaga. Siya talaga ‘yung humawak sa akin and kept me standing.”

Photo credits: Karen Davilla | Youtube

Ibinahagi naman ni Nadine na namimiss niya ang kanyang yumaong kapatid lalo na nga’t pareho sila ng mga hilig at magkapareho rin nga sila ng personality. Kaya naman, talagang malapit sila sa isa’t isa. Ibinunyag rin ni Nadine na bago pumanaw ang kanyang kapatid, ay umamin na ito sa kanya ng tunay na pagkatao, at siya lang daw ang nakakaalam sa kanilang pamilya noon.

“Yung brother ko kasi magaling din siya magluto. Mahilig din siya sa art and he’s a good writer. And ‘yung creative stuff, kami ang nagshe-share nu’n. Pero artistic kasi siya. Kwentuhan. Medyo feminine din kasi ‘yung brother ko. So, he appreciates a lot of stuff that I do.”

“He came out of the closet, actually. Ako lang kasi ang nakakaalam eh. I’m not sure if alam ‘yun ng parents ko at that time. But eventually, alam na nila.”

error: Content is protected !!