Nadine Lustre Ipinakita Ang Makulit At Kalog Na Side Sa Isang ‘Video Prank’ Ng Kaibigang Vlogger Na Si Donnalynn Bartolome

Masasabing pangkaraniwan na sa isang artista na ipakita ang magandang impresiyon na makakakuha ng atensiyon mula sa mga kilalang direktor at producer hanggang sa mga fans na iidolohin sila ng sobra at handang magbigay ng buong suporta.

Sinu ba naman ang hindi mapapahanga sa angking galing at ganda ni Nadine Lustre. Mula sa pagsasayaw sa dance floor hanggang sa pag-acting sa harap ng kamera kasama ang real life boyfriend na si James Reid.

Kamakailan lang ay pinag-usapan ang video ni Nadine kung saan naprank siya ng kaibigang aktres at vlogger din na si Donnalyn Bartolome. Ang nasabing video ay nangyari nung papunta si Nadine at Donnalyn sa ibang bansa dahil sa kanilang mga trabaho.



Makikita sa video na masayang nag-uusap ng casual ang magkaibigan habang naroon din ang isa pa nilang kasama na lingid pa “Diary Ng Panget” aktres ay kasapakat pala ni Donnalyn sa nasabing prank.

Samantala, walang kamalay-malay ang “Your Moment” judge sa pinaplano ng kaibigan at maririnig pa nga ang dalaga na nakikipag-usap tungkol sa isang cartoon figure na kamukha niya ng biglang humingi ng pabor si Donnalyn sa kaibigan,

“Nads, puwedeng pahiram ng panty? Naubusan ako ng panty,” tanung pa nito.

Photo credits: Donnalyn Bartolome | youtube 

Sa kabilang banda, hindi man makapaniwala ang 26 na taong gulang na aktres sa sinabi ng kaibigan ay kaagad itong nagsabing,

“Paano, isa lang ba ‘yung binaon mo?”

At dahil na rin sa pagpupumilit ng kaibigan at nagsabi pa itong pinahiram din niya si Nadine ng charger ay napapayag din niya ito at nagsabi pang ibibigay na lang din niya,

“Hindi na hiram ‘yun! Ibibigay ko na sa ‘yo ‘yun!”

Photo credits: Donnalyn Bartolome | youtube

pagkatapos nilang marinig yun ay nagtawanan si Donnalynn at ang kasabwat dahil sa seryosong sagot nito.



Samantala ipinahayag din ng dalagang aktres na talagang nagpapahiram siya ng mga personal na gamit sa kaibigan.

Ilang mga netizen at tagahanga nila Nadine at Donnalyn ang tuwang tuwang nagcomment sa video nila,

“The side of nadine that we don’t get to see everyday. Thanks donna for including her in your vlog. You’re both pretty”,
” Ilan na napahiram mo ng Panty -Madami na Nadine Tunay na kaibigan , walang arte”,
“When Donna said ‘IM SURE MARAMING MAS MAIINLOVE SAYO DITO’ Me was like uuuugh nakakalimutan ko talagang babae ako dahil kay Nadiiiiine”.

Masasabing sa panahon ngayon kung saan usong-uso na ang makabagong teknolohiya mula sa mga kilalang social media, hanggang sa youtube vlog hindi na talaga makakapagtago ang mga idolo sa kanilang mga tagahanga.

At sa tulong nito nagagawa nating makita ang hindi palagi nating nakikita sa ating mga iniidolong artista.More vlogs pa Donnalyn at Nadine!!!