Connect with us

Uncategorized

Nadine Lustre, Inamin na Mas Gusto Pang Mag-ampon ng Bata Para Magkaanak Kaysa Magkaroon ng Sariling Anak

Ang aktres na si Nadine Lustre ang isa sa hinahangaang artista sa industriya ng showbiz na bukod sa kanyang angking talento ay sadyang napakaganda rin. Ngunit, tila walang magmamana ng natatanging kagandahan ni Nadine dahil inamin ng aktres na wala sa plano niya ngayon ang magkaroon ng sariling anak.

Credits: Nadine Lustre | IG

Sa isang vlog interview kay Nadine ng cosmetic surgeon na si Aivee Teo, na ibinahagi sa YouTube channel nito noong Enero 20, 2021, ay diretsahang sinabi ni Nadine ang kanyang pananaw patungkol sa pagkakaroon ng anak. Ayon nga sa magandang aktres, kung siya ang papipiliin ay mas gugustuhin pa raw niya ang mag-ampon kaysa magkaroon ng sariling anak.

Ipinaliwanag naman agad ni Nadine ang kanyang malalim na dahilan. Ayon kay Nadine, kung noon raw kapag tinatanong siya kung ilan ang gusto niyang anak, ang madalas niyang sagot ay dalawa, ngunit ngayon nga ay nagbago na ang kanyang pananaw dahil ang sagot niya na ay wala.

Credits: Nadine Lustre | IG

“Before, every time people would ask me that, I would say ‘two. But now, I’d say wala. I don’t want to have kids right now. That’s where my head’s at,”pag-amin ni Nadine.

Dagdag pa ni Nadine, sa kanyang tingin ay mas maraming bata ang isinilang sa mundo na hindi nakakatanggap ng pagmamahal mula sa mga magulang at hindi rin naaalagaan ng maayos. Kaya naman, kung bibigyan siya ng pagkakataon ay mas gugustuhin pa niyang mag-ampon na lamang.

“I do believe that there are a lot of kids who don’t have parents and who need to be taken care of. So I feel like if I do want to have a kid, I might just adopt.”

Sa kabila nito, ay hindi naman sarado ang isip ni Nadine sa pagkakaroon niya ng sariling anak. Sa katunayan nito, kung sakali nga raw na mabuntis siya, ay mamahalin at buong puso niyang tatanggapin ang kanyang magiging anak. Ngunit, sa ngayon ay wala pa talaga sa plano ni Nadine ang magkaroon ng sariling anak, sa halip nga ang laman ng isip niya ngayon ay mag-ampon para magkaroon ng anak.

Credits: Nadine Lustre | IG

“If I get pregnant, I’ll go with it. But right now, that’s where my head’s at, I would rather adopt.”

Matatandaan na unang napabalita ang paghihiwalay ni Nadine at kanyang boyfriend na si James Reid noong Enero 2020 matapos ilabas ang kanilang joint statement sa Tonight with Boy Abunda na hiwalay na sila. Isang taon naman ang nakalipas, Enero 2021 ay napabalita naman na nagkabalikan diumano ang magkasintahan matapos maispatan ang madalas nilang pagsasama. Wala namang naging kumpirmasyon mula kina Nadine at James tungkol sa kanilang pagbabalikan. Ngunit, ayon sa mga taong malalapit sa kanila ay maayos raw ang relasyon ng dalawa sa isa’t isa.

Credits: Nadine Lustre | IG

Hanggang ngayon ay hindi parin kinukumpirma nina Nadine at James ang tunay na estado ng kanilang relasyon. Hanggang sa nitong nakaraang buwan Setyembre, ay napabalita na may bagong pag-ibig na si Nadine matapos maispatan ang sweet photos nila ng kanyang rumored boyfriend na si Christopher Bariou habang masayang nagbabakasyon sa isla ng Siargao.

error: Content is protected !!