Connect with us

Entertainment

Nadine Lustre, Hinangaan Ng Netizens Matapos Bumalik Sa Siargao Upang Magbigay Ng Tulong Sa Mga Naapektuhan Ng Bagyong Odette

Matatandaan na noong mga nakaraang buwan, ay masaya ang naging pananatili ng aktres na si Nadine Lustre sa mala-paraiso sa gandang isla ng Siargao. At makikita na enjoy na enjoy siya sa simple at tahimik na pamumuhay sa isla ng Siargao.

Dahil nga, nagkaroon na rin ng puwang sa puso ni Nadine ang Siargao, ay labis siyang nalungkot sa sinapit ng isla matapos mapinsala ng bagyong Odette. Isa nga ang Siargao sa mga lugar na nakaranas ng matinding pinsala matapos manasala ang bagyong Odette noong nakaraang linggo.

Sa paghagupit nga ng bagyong Odette ay marami ang nawalan ng tirahan, at marami rin sa ating mga kababayan ang nangangailangan ng tulong tulad ng pagkain at tubig. Dahil rin sa matinding pinsalang dulot ng bagyong Odette, ay nawala rin ang kuryente ang ilang lugar tulad ng Siaragao.

Marami naman ang nagpaabot ng tulong, at isa na nga rito si Nadine na bumalik pa ng Siargao para personal na iabot ang kanyang tulong. Kung ang ilan ay pagkain at tubig ang hatid sa mga biktima ng bagyong Odette, ang aktres na si Nadine ay nagpasya na tumulong sa pamamagitan ng pagkakabit ng solar charging station sa Siargao.

Sa kanyang pagbabalik sa isla ng Siargao ay nakasama ni Nadine ang ilang miyembro ng Greenpeace Philippines para magkabit ng solar charging station.

Kahanga-hanga naman ang aktres dahil bukod sa personal siyang nagtungo ng Siargao para ihatid ang kanyang tulong, ay makikitang personal rin siyang tumulong sa pagkakabit ng solar charging station.

Matapos ngang kumalat sa social media ang mga larawan ni Nadine kung saan makikitang abala siya sa pagtulong sa pagkakabit ng mga solar charging station, ay agad itong umani ng positibong komento mula sa mga netizens.

Ayon nga sa isang netizen, ay dapat raw na gaya ni Nadine ang iba pang artista na handang tumulong sa mga nangangailangan ng walang lideratong pinapanigan.

“Dapat ganito ang ibang artista. Di puro dada ng dada kesyo anong ginawa ng gobyerno ganito ganyan. sumosuporta pa sa lideratong walang nagawa. Yung babaeng walang pake sa init ng araw. Pero still maganda padin inside and out.”

Napansin naman ng iba ang kasimplehan ni Nadine na kung saan ay walang kaarte-arte sa katawan kahit pa nga naiinitan. At ngayon nga, ay tila mas gumanda si Nadine sa mata ng kanyang mga tagahanga kung saan makikita na masayang-masaya siya sa simpleng buhay na meron siya.

“Ewan ko ba, pero lalo syang gumaganda habang less arte sa showbiz. Mas gusto ko ang Nadine Lustre ngayon.”

“Kind hearted couple. Just keep it up. Don’t stop to give kind deeds to other people. Thanks for helping them Nadine. Keep safe.”

 

error: Content is protected !!