Connect with us

Entertainment

Nabyudong Ama Labis labis ang Pasasalamat sa mga Natanggap na Tulong Para sa Kanyang Triplets Matapos Pumanaw Ang Kanyang Asawa sa Panganganak

Isa nga sa pinakamahirap na responsibilidad ng isang magulang ay ang magpalaki ng anak. Kaya naman, magkatulong ang mag-asawa sa pag-aalaga at pagtataguyod sa kanilang mga anak. Ngunit, paano kaya kung ang mga anak ay agad mawalay sa kanilang ina, at tanging ang ama na lamang ang naiwan para mag-alaga?

Tiyak na dobleng hirap ang naranasan ng isang nabyudong ama matapos bawian ng buhay ang ina ng kanyang mga anak pagkapanganak sa kanilang triplets.

Isang kwento na puno ng inspirasyon ang hatid sa mga netizens ng isang byudong ama na kung saan ay naging matatag sa pagharap sa mga hamon ng buhay alang-alang sa tatlo nilang anak ng kanyang yumaong misis. Gaya ng ibang magulang ay magkahalong saya at excitement ang nadama ng mag-asawang sina Joel Orbello Regal at April Edlagan-Regal sa pagdating ng kanilang triplets na anak.

Photo credits: Joel Orbello Regal | Facebook

Ngunit, ang kaligayahan nadarama ng kanilang buong pamilya, ay napalitan ng lungkot at pighati. At ang dahilan nga nito, ay ang hindi inaasahang pagkasawi ni April isang araw pagkasilang ng kanilang triplets ay agad rin itong binawian ng buhay. Ayon sa salaysay ni Joel, ang naging sanhi ng pagpanaw ni April ay accute respiratory failure. Sa malungkot at hindi inaasahang pangyayari, ang triplets na anak nila ni April ay naiwan kay Joel, kung saan nga ay siya ma ang tatayong ama at ina sa mga bata.

Photo credits: Joel Orbello Regal | Facebook

Ang mga bagong silang na sanggol ay kinakailangan ng sapat na gatas mula sa ina, ngunit walang kakayahan si Joel na ibigay iyon. Kaya naman, para magkaroon ng breastmilk ang kanyang triplets ay humingi siya ng tulong sa social media. Hindi naman mabigo si Joel, dahil agad ma bumuhos ang tulong mula sa mga taong may mabubuting puso.

Photo credits: Joel Orbello Regal | Facebook

Maliban nga sa natanggap breastmilk para sa kanyang tatlong anak, ay nakatanggap rin si Joel ng mga gamit at kailangan ng mga sanggol kagaya ng diaper, higaan at iba pang materyal na bagay na makakatulong sa triplets. Hindi rin inaasahan ni Joel na maliban sa natanggap niyang breastmilk at materyal na bagay, ay makakatanggap rin siya ng tulong pinasyal mula sa mga netizens.

Photo credits: Joel Orbello Regal | Facebook

Kaya naman, labis ang pasasalamat ni Joel sa mga taong may ginintuang puso na nagpaabot ng tulong sa kanyang tatlong anak. Nagpasalamat rin si Joel sa mga taong patuloy na nagdarasal sa kalusugan ng triplets. Malaki rin ang pasasalamat ni Joel dahil sa mga natanggap niyang breastmilk ay makikitang lumaking malusog at masigla ang triplets na ngayon ay 3 buwang gulang na.

“Almost 3 months na po mga anak ko at kita ko naman sa katawan nila na masigla sila at hindi sakitin. ‘Yun maraming nagsasabi, nagpapayo na iba ang sustansya naibibigay ng gatas ng nanay. Bagay naman po na pinaniniwalaan ko, and kita naman po talaga sa kanila ‘yun sigla at lakas ng katawan,” saad ni Joel.

Photo credits: Joel Orbello Regal | Facebook

Ipinahayag rin ni Joel na patuloy siyang nagpapakatatag bilang isang para masuklian ang sakripisyo ng yumao niyang asawa noong ipinagbubuntis nito ang kanilang triplets.

“Malaki po ‘yun sakripisy0 ng asawa ko. Minahal at inaalagaan po mabuti ng asawa ko ang mga anak ko no’n nasa t’yan pa lang sila. Kaya bilang tatay na lang nila, kahit mahirap, pipilitin kung kayanin at maging matatag sa kabila ng lahat,” aniya.

Sa ngayon ay katuwang ni Joel sa pagpapalaki sa kanyang tatlong anak ang kanyang biyenan pati narin ang mga kapatid ng kanyang asawa. Marami namang netizens ang humanga at naantig ang puso sa katatagan ni Joel para sa kanyang tatlong anak.

error: Content is protected !!