Connect with us

Entertainment

‘My Source of Happiness’ Jane Oineza, Idinaan sa Isang Sweet Post ang Pagbati sa Kaarawan ng Kanyang Onscreen Partner at Rumored Boyfriend na si RK Bagatsing

Naghatid ng kilig sa mga netizens ang aktres na si Jane Oineza, matapos idaan sa isang sweet post ang pagbati sa kaarawan ng kanyang on screen partner at rumored boyfriend na si RK Bagatsing.

Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang ika-33 taong kaarawan si RK, kung saan ibinahagi ni Jane sa Instagram ang isang larawan na makikitang magkasama sila. Isang nakakakilig na caption ng pagbati naman ang inilakip ni Jane kung saan ay tinawag niyang “my source of happiness” ang aktor.

“To this amazing person, my source of happiness… Happy birthday,”caption ni Jane na sinamahan pa ng kiss emoji.

Agad naman nabasa ni RK ang mensahe ni Jane sa kanya, at sinagot ito ng:

“Kinilig ako.”

Maliban naman sa mga pagbati para sa birthday ni RK, ay napuno rin ng kilig ang mababasang komento sa naturang post ni Jane mula sa mga netizens at ilang kaibigan nila sa showbiz tulad na lamang nina Jake Cuenca, Joseph Marco, at Antoinette Jadaone.

Relationship reveal na nga ba ito nina Jane at RK sa tunay na estado ng kanilang relasyon? Base sa reaksyon ni RK sa mensahe ni Jane na makikitang kinilig ang aktor, ay tila ba may nais pang ipahiwatig ang aktres sa kanyang mensahe. Kaya naman, ang mga netizens rin ay nakikiramdam sa kung anong susunod na mangyayari sa pagitan ng dalawa.

Sina Jane at RK ay usap-usapan ng mga netizens kung ang tambalan on screen ng dalawa ay mauuwi na ba sa tunay na buhay,  matapos magkasama sa teleseryeng Araw at Gabi noong 2018. Nagsimula namang kumalat ang samu’t saring spekulasyon tungkol sa relasyon nilang dalawa noong Pebrero. Ito ay matapos nilang ibahagi sa Instagram ang mga larawan kung saan makikitang magkasama silang nagtungo sa Lake Caliraya sa Laguna.

Samantala, noong nakaraang taon, ay napabalita na si Jane umano ang dahilan ng paghihiwalay ni RK at ng kanyang long-time at non-showbiz girlfriend na mariin namang itinanggi ng aktor nang makapanayam ni Boy Abunda.

“As far as I’m concerned, walang third party. We care about each other so much. Nag-usap kami nang maayos. We just couldn’t bring it back to what it used to be,” pahayag ni RK.

Ang nasabing isyu rin ay itinanggi ni Jane sa isang panayam. Ngunit, nang tanungin kung may posibilidad bang maging magkasintahan sila ni RK, ay ito ang kanyang naging kasagutan.

“Wala naman akong isinasara. Hindi ko naman pinipigilan at wala rin akong hinahanap. Kung darating ay darating.”

error: Content is protected !!