Connect with us

Entertainment

“My net revenues amount to about PhP120 million a month” Chavit Singson, Nagmistulang Real-Life Crazy Rich Asian Dahil sa Kaniyang Taglay na Yaman

Noong nakaraang mga taon, sumikat sa bansa ang pelikulang, Crazy Rich Asians kung saan ipinakita ang buhay ng mga mayayamang negosyante sa ilang bansa sa Asya. Ngunit may ilang Pilipino rin na maaaring maituring na “crazy rich asian” dahil sa kanilang yaman. Isa na rito ang dating pulitiko at negosyanteng si Chavit Singson.

Photo credits: google.com

Unang nakilala ng publiko si Chavit noong siya ay naging gobernador ng Ilocos Sur. Naging congressman din siya at naging Deputy National Security Adviser.

Photo credits: google.com

Ngunit bukod sa kaniyang matagumpay na karera sa pulitika, isa rin pala siyang negosyante. Kwento ni Chavit, isang engineer ang kaniyang tatay at mayroon silang construction business.

Photo credits: google.com

Pinalago niya ito hanggang sa nagkaroon na rin siya ng sariling negosyo. Pumasok siya sa pagbebenta ng tobacco hanggang sa nakabili siya ng isang electrical plant sa Vigan.

Ngayon, siya na ang chairman ng LCS Group of Companies. Ayon sa kaniya, maaaring abutin ng daan-daan ang bilang ng kaniyang mga negosyo. Isa na rito ay ang wildlife sanctuary na isang tourist destination sa Ilocos Sur.

Nagbukas din siya ng isang airline. Binuksan din niya ang Vigan Banco International, isang bangko sa Puerto Rico. Ngayon, mayroon na itong branches sa Los Angeles at Mexico. Pumasok din si Chavit sa industriya ng pagbebenta ng sports goods nang simulan niya ang GO Sport sa Europe.

Dahil sa dami ng kaniyang negosyo, ibinahagi niya ang halaga ng kaniyang kinikita. Ayon kay Chavit,

“My net revenues amount to about PhP120 million a month. There are a lot (of companies). I have many businesses that earn millions. The construction (business) I make billions; the transportation (business), I’m netting around PhP100 million a month; I’ve earned PhP1 billion from that in previous years, just for transportation.”

Photo credits: google.com

Dahil sa laki ng kaniyang kinikita, hindi na nakakagulat kung ano ang kayang bilhin at gawin ng negosyante. Isang halimbawa dito ay ang kaniyang paggastos ng milyon-milyon para sa ginanap na Ms. Universe 2016 sa bansa.

Kasama sa gastos na ito ay ang accomodations, transportation, at iba pang pangangailangan ng mga kandidata at mga opisyal ng pageant. Sinasabing binili rin ni Chavit ang M/Y Happy Life, isang yate na may limang palapag at 16 na kwarto. Ito raw ang ginamit ng mga kandidata sa kanilang pagbisita sa Batangas.

Dahil dito, totoong maaaring maituring si Chavit na isa sa mga pinakamayamang personalidad sa bansa.

error: Content is protected !!