Connect with us

Entertainment

“My mom and dad gave me on my birthday”: Vicki Belo, Naging Emosyunal Matapos Ibahagi Ang Dahilan Kung Bakit Ayaw Niyang Binabati Tuwing Birthday Niya

Hindi nga maikakaila ang tagumpay na tinatamasa ng sikat na personalidad at mahusay na dermatologist na si Dr. Vicki Belo. At siya nga ang takbuhan ng mga sikat na artista sa showbiz para mas lalong gumanda at maging kaaya-aya ang hitsura.

Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami sa likod pala ng katauhan isang masayahin at matagumpay na si Dr. Vicki Belo, ay nakatago ang mapait niyang karanasan mula pa noong pagkasilang sa kanya.

Photo credits: google.com

Kamakailan lamang, ay nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ang matagal nang magkaibigan na si Dr. Vicki Belo at Ogie Diaz sa vlog ng huli. At dito nga, ay naikwento ni Dr. Vicki Belo ang dahilan kung bakit sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan ay ayaw niyang binabati siya.

Kung tutuusin nga, ang pagdiriwang ng kaarawan ang isa sa pinakaimportanteng yugto ng ating buhay na dapat nating ipagpasalamat. Ngunit hindi gaya ng marami, ito ang pinakaayaw na araw ni Dr. Belo dahil sa napakasakit at napakapait niyang karanasan sa buhay.

Photo credits: google.com

Hindi nga napigilan ni Dr. Belo ang maging emosyunal matapos siyang tanungin ni Ogie kung bakit hindi siya binabati sa tuwing sasapit ang kanyang birthday. At dito na nga isinilawat ni Dr. Belo ang kanyang pagiging ampon.

Kwento nga ni Dr. Belo, ay panglimang anak siya sa siyam na anak ng kanyang tunay na ina. Ngunit, noong nasa sinupupunan pa palang siya ay tila nga nakatadhana na siyang ipaampon ng kanyang ina. Ayon pa kay Dr. Belo, sinabi raw ng kanyang ina na kapag babae ang dinadala sa sinapupunan ay ipamimigay ang sanggol, at nataon naman na nang mga sandaling iyon ay siya ang ipinagbubuntis ng kanyang tunay na ina.

Photo credits: google.com

Sa bawat katagang binibitawan ni Dr. Belo, ay talagang damang-dama ang pait at sakit ng kanyang nakaraan. Pagbabahagi pa niya, kahit nga raw noong isinilang siya ng kanyang tunay na ina, ay hindi man lang siya nito hinawakan.

“Nung pinanganak ako, never akong hinawakan ng nanay ko. In my head… parang ipinanganak ka pa lang, ipinamigay ka na,”emosyunal nitong pahayag.

Pagbubunyag pa nito, tumatak na sa isip niya ang kanyang pagiging ampon, at hindi nakaramdam ng pagmamahal kung kaya’t ayaw niyang binabati siya tuwing sasapit ang kanyang kaarawan.

“So when I think of that since I have so many issues about adoption about not being good enough, about not being lovable… I don’t like to be greeted.”

“My mom and dad gave me on my birthday,”mapait pang sambit ni Dr. Belo.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Ayon pa kay Dr. Belo, sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan ay nanunumbalik sa kanyan ang sakit at pait ng kanyang nakaraan. Kaya naman, mas gusto niya na hindi siya binabati tuwing birthday niya. At ang hindi pagbati sa kanyang kaarawan, ay ang pinakamagandang regalo na kanyang matatanggap.

“I just ignore… so the best gift that you can give me is not to greet me.”

error: Content is protected !!