Connect with us

Entertainment

“My Home Away from Home” Dimples Romana, Ipinasilip sa Kanyang Vlog ang Naipundar na Condo Unit na Katas ng Kanyang Pinag paguran sa “Kadenang Ginto”

Kung kasipagan at pagsusumikap sa buhay ang pag-uusapan, hindi magpapahuli riyan ang Kapamilya actress na si Dimples Romana. Makikita nga ang kanyang kasipagan sa trabaho, sa dami ng mga ariarian na kanyang naipundar. Hindi rin maikakaila na talagang pinaglalaanan ng aktres ang mga bagay na nais niyang makamit, at kanya itong pinagsusumikapan.
Dahil nga sa kasipagan ni Dimples ay nakapagpundar na siya ng mga properties sa probinsya ng Cavite, Batangas at Palawan. Maliban nga sa mga ito, kamakailan lamang ay nakapagpundar rin siya ng isang condo unit sa Makati.




At sa kanyang vlog, ipinasyal ng aktres ang kanyang mga tagahanga sa kanyang napakagandang two-floor condo unit na itinuturing niyang bagong milestone sa kanyang buhay. Ito nga ay bunga ng kanyang pagsisikap sa trabaho bilang isang artista.

Kahanga-hanga sa ganda ang condo unit na nabili ni Dimples dahil nga sa “enveloped in windows”, na naghahatid ng magandang tanawin ng Makati skyline, at isa ito sa nagustuhan ng aktres sa kanyang condo.

Photo credits: Dimples Romana | Youtube Channel

 

Samantala, hindi pa napapaayos ng aktres ang kanyang condo dahil nga sa mga rules na ipinapatupad ng building na dapat nilang sundin. Kung kaya’t, maghihintay pa ang aktres ng abiso kung kailan na siya maaaring magparenovate.

Photo credits: Dimples Romana | Youtube Channel

Sa ngayon ay hindi pa nakakalipat sina Dimples at kanyang pamilya sa condo. Pero nagsisimula na ang aktres sa paghahanda ng kanilang paglipat sa condo kung saan ay unti-unti na siyang namimili ng mga kagamitan para sa condo.

Photo credits: Dimples Romana | Youtube Channel




Ipinaliwanag rin ni Dimples ang bawat bahagi ng condo at kung saan niya ilalagay ang mga furnitures bilang paghahanda. Samantala, ibinunyag naman ng aktres na ang condo unit na nabili ay katas umano ng proyekto niyang “Kadenang Ginto”. Kaya naman, labis ang kanyang pasasalamat sa ABS-CBN at Dreamscape.

“Nu’ng nakita ko ‘to, sabi ko ‘Lord, pagbigyan mo ako na ‘yung mga trinabaho ko ngayon, dito mapunta’. Nu’ng binili namin ‘to, it was during Kadenang Ginto kaya napakalaki talaga ng utang na loob ko sa Dreamscape and my ABS-CBN family kasi itong property na ‘to nabili because of Dani Girl.”

Photo credits: Dimples Romana | Youtube Channel

Ayon pa nga kay Dimples, ang lahat ng skait, hirap at pagod niya sa bawat eksena na kanyang ginawa ay talagang tiniis niya. At ang pera ngang kinita sa proyekto ay inilaan niya sa condo unit na ito.

“So dito napunta lahat ng pinagdaanan ko as Dani Girl. Lahat ng pagluha, pagtataray, pagsusungit, takbuhan, barilan, sampalan. ‘Yung mga tiniis kong sampalan, dito napunta sa property na ito. Kaya ‘pag nakikita ko ‘to, sobrang na-nonostalgic ako at naaala ko ‘Oy si Daniela Mondragon ang bumili nito’. So Dani, thank you.”

Photo credits: Dimples Romana | Youtube Channel

Dahil nga, sa sipag, tiyaga at pagtitiwala sa Diyos ay matagumpay na nakamit ni Dimples ang kanyang mga pangarap. Tunay nga na walang impsoble sa pagkamit ng mga pangarap kapag nagsumikap at malaki ang pagtitiwala sa Diyos.

error: Content is protected !!