Connect with us

Entertainment

“My forever valentino”: Isabel Oli, Masayang Ipinagdiwang Ang Kaarawan Ng Kanyang Mister Na Si John Prats, May Sweet Rin Na Pagbati

Ang aktres na si Isabel Oli na ngayon nga ay maybahay ng aktor na si John Prats ay talaga namang hindi nagsasawang ipadama ang kanyang pagmamahal sa kanyang mister. Sa loob ng anim na taong pagsasama magmula nang ikasal noong May 16, 2015 ay makikita na pinatunayan ng mag-asawa ang kanilang matamis na pag-iibigan na pinagtibay na rin ng mga pagsubok at hamon sa buhay. Sa ngayon nga, ang kanilang masayang pagsasama ay biniyayaan na ng tatlong cute na cute na supling.

CREDITS: Isabel Oli | IG

Makikita naman nga na talagang mapagmahal at responsableng mga magulang ang mag-asawa sa kanilang mga anak. Hindi maikakaila na talagang mahal na mahal ng celebrity couple ang isa’t isa, kaya naman sa pagdiriwang ng 38th birthday ni John Prats ay hindi pinalampas ni Isabel na ipaabot ang kanyang sweet at nakaaantig na mensahe na pagbati sa kanyang asawa.

CREDITS: Isabel Oli | IG

Nito lamang ika-14 ng Pebrero nang ipagdiwang ng FPJ’s Ang Probinsyano actor at director na si John Prats. Napakaespesyal naman talaga ng araw na ito, dahil bukod pagdiriwang ng kaarawan ng aktor, ay selebrasyon rin ito para sa araw ng mga puso. Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Isabel ang mga larawan na pasilip sa masayang pagdiriwang ng kaarawan ni John. Sa kanyang caption nya, ay mababakas ang labis na pagmamahal at paghanga ni Isabel sa kanyang mister na tinawag pa niyang “my forever valentino”.

CREDITS: Isabel Oli | IG

“Blessed birthday to my one and only crazy, good looking, amazing, and talented hubby johnprats I love you for all that you are and all that you are yet to be!🎂 And oh, happy Valentine’s day to you my forever valentino.”

Binati rin ng aktres ang mga netizens na masayang nagdiriwang ng Valentine’s day. Hindi rin nakalimutan ni Isabel na pasalamatan ang kanilang pamilya at mga taong nakasama nila sa espesyal na pagdiriwang ng Valentine’s day.

CREDITS: Isabel Oli | IG

“Happy Valentine’s day to y’all. Thank you Prats, Yambaos, Quiambaos and dear friends for spending your Valentines with us! Love you guys.”

Sa kanyang Instagram account, ay ibinahagi naman ni John ang isang post kalakip ang larawan ng kanyang pamilya na kuha sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Sa nasabing IG post ay nagpasalamat siya sa Panginoon sa panibagong buhay na ipinagkaloob sa kanya at pagkakaroon ng magandang kalusugan.

CREDITS: Isabel Oli | IG

“Lord, I thank you for your mercy and grace which are new every morning since I have been on this planet earth. I thank You for Your help to see another birthday of mine.”

error: Content is protected !!