Connect with us

Entertainment

‘My answered prayer’: Dianne Medina, Isinilang na si Baby Rodolfo Joaquin, Ang Panganay na Anak nila ng Asawang si Rodjun Cruz

‘My Answered Prayer my Baby Rodolfo Joaquin Diego III’, ito nga ang nasambit ng aktres na si Dianne Medina matapos niyang isilang nang ligtas ang napakacute at malusog na sanggol na panganay nilang anak ng kanyang asawang si Rodjun Cruz.

Walang katumbas na kaligayahan ang nadarama ng mag-asawa matapos masilayan ang kanilang napakacute na baby boy na pinangalanan nilang Rodolfo Joaquin Diego III. Sa wakas nga, ay ganap na silang Mommy at Daddy, kaya naman labis ang kanilang pasasalamat na naging maayos at ligtas ang panganganak ni Dianne.



Natapos na nga ang paghihintay ng mag-asawa na masilayan at mayakap ang kanilang munting anghel. Noong Setyembre 10, ay masayang inanunsyo ng aktres na si Dianne sa kanyang Instagram, na isinilang na niya ang panganay na anak nila ni Rodjun sa ganap na 1:55 ng madaling araw.

โ€œMy Answered Prayer my Baby Rodolfo Joaquin Diego III ๐Ÿ’™Thank you my Almighty Father ๐Ÿ™๐Ÿป September 10, 2020 1:55 am.โ€

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dianne Medina Ilustre (@dianne_medina) on

Samantalang si Rodjun naman, ay nagbahagi rin ng isang larawan sa Instagram na kung saan makikitang hawak ng aktor ang munting kamay ni Baby Rodolfo. Hindi rin nakalimutan ng aktor na magpasalamat sa Diyos sa milagrong biyaya na kanilang natanggap sa kanilang buhay.

โ€œSeptember 10, 2020) Welcome to the World Rodolfo Joaquin Diego III. I Love you so much my Son @babyjoaquinilustre! I will hold your hand Forever & guide you every step of the way!๐Ÿ’˜๐Ÿ˜๐Ÿ™๐Ÿป #AnsweredPrayer Thank you Lord .โ€

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz) on

Talaga namang walang makakapantay na saya ang pagdating ng isang biyayang sanggol sa pamilya na siyang magbibigay ng kaligayahan at kokompleto sa pamilya. Isa ngang ‘answered prayer’ na maituturing ang pagdating ni Baby Rodolfo sa buhay nh celebrity couple. Na magmula nang malaan na may baby na sila at malapit ng maging ganap na mga magulang, ay hindi na nawala sa mag-asawang Dianne at Rodjun ang excitement na masilayan ang kanilang munting anghel.



Matatandaan naman na ikinasal ang celebrity couple na sina Dianne at Rodjun noong nakaraang Disyembre sa Manila Cathedral sa pamamagitan ng isang church wedding ceremony, matapos ang ilang taong relasyon bilang magkasintahan.

At nito lamang buwan ng Abril ng taong kasalukuyan nang kanilang masayang inanunsiyo ang nalalapit nilang pagiging mga magulang dahil si Dianne ay pinagbubuntis na ang panganay nilang anak. At noong nakaraang Hunyo naman, nang inanunsyo nila na ang dinadala ni Dianne sa kanyang sinapupunan ay isang baby boy.
Congratulations Dianne and Rodjun!

error: Content is protected !!