Connect with us

News

‘My answered prayer’: Dating Aktres at Valenzuela Councilor Charee Pineda, Isinilang na ang Napakacute at Healthy Baby Boy na si Cesco

“My answered prayer”, ito na lamang nga ang buong kagalakang nasambit ng dating aktres at konsehal ng Valenzuela na si Charee Pineda, matapos isilang ang panganay na anak nila ng kanyang asawang si Martell Soledad.




Nito lamang ika-30 ng Nobyembre nang ianunsyo ni Charee sa kanyang Instagram ang magandang balita. Sa post nga ng 30 taong gulang na si Charee, ay pinasalamatan niya ang maagang pagdating ng kanyang baby boy na panganay na anak nila ng kanyang asawa.

Photo credits: Charee Pineda | Instagram

Saad nga, ni Charee ay isang natupad na panalangin ang pagdating ng kanilang anak. Itinuring rin ni Charee na “early Christmas present” ang maagang paglabas ng kanilang napakacute na baby boy na pinangalanang Baby Cesco o may buong pangalan na Martell Francesco Soledad. Nagpasalamat rin si Charee na kahit napaaga ang paglabas ni Baby Cesco ay naging maayos at ligtas silang mag-ina.

“My answered prayer. My baby Martell Francesco Soledad! So many blessings to be thankful for. First, Thank you Lord for our super early Christmas present! Thank you for keeping us safe.”

Pinasalamatan rin ni Charee ang kanyang pamilya at mga taong nagpaabot ng suporta at dasal para sa kaligtasan nilang mag-ina. Maging ang mga doktor at nurse na nag-asikaso sa kanila ay pinasalamatan rin ng dating aktres.

“Thankful for our families & friends who’s been praying for us. Thankful to our doctors who treated us like their family, Dra. Janis Palaganas & Doc. Raul Quillamor. Thank you also for all the nurses who took care of me esp those who are assigned in HRPU unit.”




Hindi naman nakaligtaang pasalamatan ni Charee ang kanyang asawang si Martell na kasama niya sa simula hanggang sa kanilang bagong journey bilang mga new parents.

“And lastly thank you to my husband who’s been my rock from the start. Cheers to new journey with you my love and our little Cesco!”

Samantala, nagpost rin ang asawa ni Charee na si Martell sa sarili nitong Instagram account. Kalakip ang larawan ng kanyang mag-ina, ay nagpasalamat si Martell dahil ligtas na naisilang si Baby Cesco kahit na 34 weeks pa lamang ito.

Ayon pa nga rito, ay madalas umanong kausapin ni Mommy Charee ang kanilang baby boy, na sana magkita na sila bago magpasko. Tila naman, nakinig sa kanyang Mommy si Baby Cesco at lumabas na nga ito noong ika-28 ng Nobyembre.

“Hi my loves. Thank you lord safe si charee and si baby martell francesco kht 34 weeks pa lng sya. Yung mommy kasi panay kausap kay baby na before christmas magkita na daw sila. Lumabas tuloy agad. Hehe thank you po sa lahat ng nagdasal for charee and baby.11/28/2020”

Matatandaan na ikinasal ang mag-asawang Charee at Martell noong nakaraang buwan ng Pebrero taong kasalukuyan. Ito ay matapos ang pitong taong relasyon bilang magkasintahan.

error: Content is protected !!