Connect with us

Entertainment

MUP 2020 Rabiya Mateo, Todo-bigay sa Pakikipag-showdown Kay Rochelle Pangilinan sa Isang Dance Challenge

Kilalang-kilala ng lahat ang girls dance group na SexBomb dancers. Sa kanilang mga sexy moves, mapagiling at splitan ay talagang hinahangaan. Talaga nga namang “mapapa-get get aww” ang sinuman kapag narinig na ang kanilang mga pinausong sayaw.

Sino ba naman ang makakalimot sa sayaw na “Spaghetti” ng Sexbomb. Mapabata man o matanda ay talagang mapapagiling pataas at pababa sa sayaw na ito. Hindi maikakaila na sikat na sikat ang sayaw na ito ng Sexbomb na maging ang bagong hirang na Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo ay nakipagsabayan rin.




Kamakailan nga, ay ipinamalas ng MUP Rabiya Mateo ang kanyang husay sa pagsayaw, matapos makipagsabayan sa dating lead dancer ng Sexbomb na si Rochelle Pangilinan.

Sa Instagram, ibinahagi ni Rochelle ang kanilang video habang sumasayaw ng sikat na “Spaghetti”. Makikita na todo bigay ang beauty queen habang nakikipagsabayan kay Rochelle.

Photo credits: rochellepangilinan | Instagram

Dahil nga, sikat na ang sayaw na ito noon pa man, ay makikita na kabisadong-kabisado ni Rabiya ang steps ng sayaw. Hindi maikakaila na talagang nag-enjoy ito sa dance challenge na ginawa nila ni Rochelle.

Ayon naman sa caption ng post ni Rochelle, ay may nag-request umano na sumayaw silang magkasama ni Rabiya.

“May nag request na sumayaw daw kami si Sexbomb Rabiya!”

Hindi naman maitago ang saya ng mga tagahanga nang mapanood ang video ng dalawa. Ibinahagi rin ni Rochelle ang kanilang video sa Tiktok na talagang marami ang nanood at humanga sa galing ni Rabiya, at walang kupas na husay ni Rochelle sa pagsayaw.

Taong 1999 nang mabuo ang grupo ng Sexbomb kung saan ay binubuo ng mga naggagandahan at nagseseksihang babae na may kahanga-hangang talento sa pagkanta at pagsayaw. Sa kanilang husay nga, ang kanilang mga pinasikat na kamta at sayaw ay talagang tumatak sa puso’t isipan ng sambayanang Pilipino.




Ang kanilang galing rin ang nagdala sa kanila sa tagumpay sa industriya ng showbiz. Ngunit, sa kasamaang palad, hindi naglaon ay unti-unting naglaho ang kanilang grupo at nauwi sa pagkanya-kanyang pagtahak sa kanilang sariling buhay. Ang ilan nga, ay pinasok ang showbiz upang mag-artista, may ilan rin namang tuluyan ng iniwan ang showbiz, upang mamuhay na lamang ng tahimik.

May mga pagkakataon namang muli silang nagkakasama upang pasayahin ang kanilang mga tagahanga. Ang kanilang pangalan nga ay hindi parin nawawala sa puso ng mga Pilipino.

 

 

error: Content is protected !!