Connect with us

Inspiring

Mula sa Pagiging Lumang Storage Room, Isa Nang Napakagandang Tiny House ang Bodega na Ito

Parami nang parami na ngayon ang pinipiling magpagawa at tumira sa isang tiny house. Bukod sa napakaganda nitong tingnan, iba’t ibang mga materyales ang pwedeng gamitin para dito. Kung minsan din ay mas nakakatipid ang mga tao sa pagpapagawa ng mas maliit na bahay na ito. Dahil rin sa pagiging “aesthetic” ng mga tiny house, ginagawa na rin itong events place ng ilang mga tao.

Photo Credits to the owner

Ang Valeo Tiny House ang isang ehemplo nito. Ngunit hindi aakalaing isa pala itong dating bodega. Kwento ng isa sa mga may-ari nito na si Feliz Lucas, nagkaroon sila ng inspirasyon na gawing tiny house ang kanilang maliit na bodega dahil sa isang TV show tungkol sa mga tiny house.

Photo Credits to the owner

Perpekto rin ang pagkakataon na ito upang magkaroon sila ng events place para sa 2nd birthday ng kanilang anak,

“We were watching Tiny House Nation on Netflix and remembered the old bodega. We thought it would be a good space where we can hold our daughter’s 2nd birthday.”

Hindi na rin sila nag-aksaya pa ng oras at agad na nagplano para sa proyektong ito, “We worked with sketches made at the back of receipts, planned the electrical placements, and even the plumbing.”

Isa rin sa kagandahan sa pagpapagawa ng mga tiny house ay ang mas maikling oras na ilalaan para sa pagpapagawa nito. Sa loob nga ng isang buwan ay nagkaroon na ang pamilya nina Feliz ng tiny house. Sa sleeping area ng tiny house makikita ang isang maliit na kama at work desk na bagay sa vintage na tema ng espasyong ito.

Photo Credits to the owner

Hindi rin mawawala ang maliit na kusina at lounge. Upang makumpleto ang tiny house, napagdesisyunan din ng mga may-ari na maglagay ng banyo. Mayroon itong mid-century at industrial na tema. Gaya ng karamihang nagpapagawa ng bahay, nagkaroon din ng ilang problema sina Feliz lalo na sa pagpapagawa ng banyo.

Photo Credits to the owner

Gayunpaman, masaya pa rin sila sa naging resulta nito. Isa rin sa nakakamanghang lugar sa tiny house ay ang roof deck kung saan maaaring magpahinga ang pamilya. Upang magmukhang malawak ang tiny house, nagpagawa rin sila ng outdoor area. Mayroon itong kaunting dekorasyon at furnitures para makapag-relax ang kanilang mga bisita.

Photo Credits to the owner

Talaga rin namang hands-on ang mga may-ari sa pagpapagawa ng tiny house lalo na ang pagpili ng mga furnitures at dekorasyon. Ayon sa kanila, nakatipid sila dahil sa kanilang pagbili ng murang mga kagamitan sa ilang online shops at paggamit ng mga lumang furnitures.

Photo Credits to the owner

Dagdag pa ni Feliz, “For the door, we had an old sliding door and we just called a glass supplier to ask if we can use it. We only spent money for a new frame.”

Dahil sa kagandahan ng Valeo Tiny House, hindi imposible na mas dumami pa ang magpatayo ng kanilang sariling tiny house.

error: Content is protected !!