Connect with us

Entertainment

Mula sa Kapital na P7k Asenso sa Buhay Nakamit ng Isang Housewife Dahil sa Pagla-Live Selling Kumikita na Ngayon ng P120k sa Isang Araw

Isa sa mga pinakapatok na negosyo ngayon ay ang online selling o live selling, at tunay na marami na ang umasenso sa negosyong ito. Karamihan sa mga pumasok sa ganitong negosyo ay mga housewife o fulltime mom, ito ay upang kahit sila ay nasa loob lamang ng kanilang tahanan at nag-aasikaso sa kanilang mga anak ay magagawa pa rin nilang kumita na maaring makatulong sa pang-araw araw na gastusin ng kanilang pamilya.

Photo Credits: Reporters Notebook| YT

Tulad naman ng ibang mga negosyo, ay hindi rin madali ang pagpasok sa online selling, dahil upang maging matagumpay sa negosyong ito ay kinakailangan mo ding maging masipag, madiskarte at masinop pagdating sa iyong kita.

Photo Credits: Reporters Notebook| YT

Ang housewife na si Brenda Lyn ‘Mercy’ delos Reyes ay isa nga sa mga nagtagumpay sa negosyo ng pasukin niya ang online/live selling. Mula nga sa maliit na kapital sa halagang pitong libong piso ay sinimulan nga ni Mercy ang kanyang online selling, at ngayon nga ang lahat ng kanyang sipag, tiyaga at pagiging madiskarte ay tuluyan ng nagbunga.

Photo Credits: Reporters Notebook| YT

Nito lamang nakaraan ay nakapanayam si Mercy sa programang ‘Reporter’s Notebook’ ng GMA network, at dito ay ipinakita nga niya ang 100 bales ng mga damit na ayon sa kanya ay ititinda niya online. Pagbabahagi ni Mercy ang bawat isang bale ay nabibili niya ng P6,000 hanggang P7,000. Naikuwento rin niya kung paano nga ba siyang nagsimula sa negosyong ito.

Photo Credits: Reporters Notebook| YT

Ayon kay Mercy, isa rin siya sa mga nagma-mine lamang noon sa mga seller na nag-o-online selling, hanggang sa kalaunan ay na-realize nga niya na ang dami niyang nabibili ngunit hindi naman lahat ng ito ay kanyang naisusuot. Dito na nga umano pumasok sa kanyang isipan, na bakit hindi niya subukan ang pag-online selling, dahil tingin niya ay kayang kaya nga niya itong gawin.

Photo Credits: Reporters Notebook| YT

“Nagma-mine lang din po ako sa ibang nagla-live selling. And then na-realize ko, sabi ko, ang dami kong binibili hindi ko naman nasusuot lahat”, ani Mercy.

Dagdag pa niya, “Sabi ko, ‘Kaya ko itong gawin. Gawin ko rin kaya mag-online selling ng damit.”

Ibinahagi naman ni Mercy na hindi rin madali ang pagla-live selling online, dahil talaga namang matrabaho ito. Ayon nga sa kanya upang maging maayos ang takbo ng kanyang live selling ay kinakailangan niya ang tulong ng kanyang anak at mga pamangkin. Saad pa niya, minsan ay inaabot sila ng alas tres ng madaling araw, upang matapos lamang lahat ng gawain nila, isa na nga rito ang pag-i-invoice ng mga items na na-mine ng kanyang mga customers.

Photo Credits: Reporters Notebook| YT

Dahil nga sa pagiging masipag ni Mercy sa pagla-live selling ay tuluyang naging maganda ang takbo ng negosyo niyang ito. Mula nga sa isa hanggang tatlong pirasong bale noon, ngayon ay napakarami ng bale ang kanyang naibebenta kaya naman nagagawa niyang kumita ng P100,000 hanggang P126,000 sa loob lamang ng isang araw.

Photo Credits: Reporters Notebook| YT

Tulad naman ng ibang online sellers, naranasan din ni Mercy ang ma-scam at magkaroon ng mga bogus buyers, ngunit sa kabila nito, ay hindi niya hinayaan na mawalan siya ng pag-asa dahil dito, bagkus ay ito ang naging inspirasyon niya na mas lalo pang magsumikap kaya naman ngayon ay talagang naging matagumpay siya sa negosyo niya.

error: Content is protected !!