Connect with us

Entertainment

“Mukha lang akong sugar daddy nito, pero mas mayaman siya sa akin” Chito Miranda, Proud Na Sinabing Mas Mayaman Sa Kanya Ang Misis Niyang Si Neri Naig

Bilang isang lalaki at padre de pamilya, sa halip nga na mainsecure sa kanyang misis na si Neri Naig sa tagumpay na tinatamasa nito bilang isang masipag at madiskarteng negosyante, ay proud na proud nga ang bokalistang si Chito Miranda.

Pagdating naman talaga sa sipag at diskarte sa paghawak at pagpapalago ng negosyo ay hinahangaan ng marami ni Neri. At maging ang kanyang mister na si Chito ay talagang proud na proud sa kanya. Sa katunayan nga nito, ay madalas purihin at ipagmalaki ni Chito sa social media si Neri.

Photo credits: Chito Miranda | IG

At kamakailan lamang nga, ay muli na namang pinuri ni Chito ang kanyang madiskarteng misis. Sa isang Facebook post, ay ibinahagi ni Chito ang larawan kung saan makikitang magkasama sila ni Neri. Sa kanyang caption nga, ay nagbiro pa ang singer na mukha raw siyang sugar daddy ng maganda at batang tingnan niyang asawa. Ngunit, sa huli nga ay proud namang sinabi ni Chito na mas ibimayaman sa kanya ang kanyang madiskarteng misis.

“Mukha akong sugar daddy nitong batang ito pero for the record, at hindi naman sa pagmamayabang (medyo lang siguro), mas mayaman siya sa akin, at ako ang nireregaluhan niya ng kung anu-ano.”

Ibinahagi rin ni Chito na madalas siyang makatanggap ng regalo mula kay Neri, ngunit ang huli umano niyang regalo sa kanyang misis ay dalawang extension cords.

“Nakakahiya nga kasi ‘yung huling regalo ko sa kaniya nung birthday niya, dalawang extension cord,”biro pa ni Chito. Nilakipan naman niya ito ng hashtag na “#Pangarapkongjackpot.”

Ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig ay isa nga sa mga celebrity couples na hinahangaan sa industriya ng showbiz. Pagdating nga sa pagmamahal at pagsuporta sa isa’t isa bilang mag-asawa ay talaga namang nangunguna sila sa listahan. Hinahangaan naman ng marami si Neri dahil sa kanyang pagiging madiskarteng misis. Isang misis na responsable at mapagmahal sa kanyang pamilya, at isa ring mahusay na negosyante.

Photo credits: Chito Miranda | IG

Sa sipag at tiyaga nga ni Neri, at sa pagtutulungan na rin nilang mag-asawa ay marami na sa kanilang mga pangarap ang natupad. Nakapagpundar na nga sila ng iba’t ibang properties, at marami na rin silang negosyo na patuloy ang paglago.

Photo credits: Chito Miranda | IG

Maliban naman sa nag-uumapaw na biyaya sa kanilang negosyo, ay biniyayaan rin ang mag-asawa ng masayang pamilya. Ang mag-asawang Chito at Neri ay dalawang beses na ikinasal noong 2014. Una nga ay isang civil wedding ceremony noong December 13, at formal wedding naman noong December 14 sa Tagaytay. Ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng tatlong supling sina Miggy at Alfonso na tunay nilang anak, at si Pia na kanilang adopted child.

error: Content is protected !!