Connect with us

Entertainment

‘MU kami nu’ng bata kami’: Heart Evangelista, Binalikan ang Friendship nila ng Aktor na si John Prats na Nauwi sa Pagiging Mag-‘MU’

Isa sa mga nagpakilig sa atin noon sa pelikula ay ang love team na hatid nina John Prats at Heart Evangelista na kung saan ay talagang sinuportahan at hinangaan ang kanilang tambalan ng mga tagahanga. Hindi maikakaila na napakaganda ng kanilang chemistry dahil bagay na bagay sila sa isa’t isa.

Kamakailan nga, ay nagbalik-tanaw ang aktres na si Heart, sa magandang samahan nila ng kanyang love team partner na si John Prats. Sa latest vlog ni Heart, ay nagkaroon ng iba’t ibang klaseng reaksyon ang aktres sa mga lumang videos na kuha sa kanyang mga pelikula at ibang proyekto ng ABS-CBN kung saan nagsimula ang pagiging mag-love team nila ng aktor.




Ngunit, maliban naman sa pagiging mag-love team ay nagkaroon pala ng pagtitinginan ang dalawa kung saan ay naging mag-MU sila o nagkaroon ng mutual understanding. Ayon nga kay Heart, ay madalas umano silang magkasama noon ni John dahil nga magka-love team sila. Pag-amin naman ni Heart, ay MU sila noong kabataan nila, kung saan ay may hashtag pang “020202”.

“I spent a lot of time with John Prats growing up because we were like the love team. He was my MU [mutual understanding]. I remember our [hashtag] was 020202 nu’ng naging MU kami nu’ng bata kami,”pahayag ni Heart.

Samantala, sa paglipas naman ng panahon na hindi pagsasama sa proyekto, ay nanatili naman ang magandang samahan ng dalawa bilang magkaibigan.

“We’re friends now, though. But we were just very comfortable with each other,”saad ng aktres.

Isa sa mga pelikulang naging magka-love team sina Heart at John ay sa pelikulang “My First Romance”. Kaya naman, nang mapanood ang video sa dating pelikula, ay tila naging sariwa sa kanyang alaala ang ginawa nilang eksena ni John.

Photo credits: google.com

“I was going for the Alicia Silverstone look. I enjoyed filming this because of the clothes and alam ko dito sa part na ‘to, magkaaway kami ni John Prats. Nag-aaway kami kasi may nanliligaw na sa akin na iba nu’n. Eventually naging boyfriend ko ‘yung person na ‘yun kaya nag-aaway kami nito.”

Bilang isang fashion icon naman, ay talagang nagustuhan ni Heart ang pelikula, dahil nga ang karakter niya rito ay talagang kahanga-hanga pagdating sa fashion.




“I like my outfit. I remember that outfit. I remember styling myself here. What is this hat, though, Heart? Ano ba, mag-gogolf ka?”

Pagbabahagi naman ni Heart, ang pelikulang “My First Romance”, ang isa sa pinakapaborito niyang proyekto dahil dito nagsimula ang masayang samahan nila ni John. Ayon nga kay Heart, ay solo movie sana ito kung saan ay silang dalawa lang ni John ang gaganap bilang magka-love team. Ngunit, ginawa umano itong dalawang love team ng management kung saan nakasama nila ang mahuhusay ring artista na sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

error: Content is protected !!