Connect with us

Entertainment

Mr. Pure Energy Gary Valenciano Binigyan Ng Sweet Na Mensahe Ang Bagong Engaged Na Si Sarah Geronimo

Published

on

Napakasayang karanasan para sa isang babae na mula sa pagiging magkasintahan ay mauuwi ito sa planong maging mag-asawa sa hindi malayong hinaharap. Samantala kaakibat ng mga pangamba at mga responsibilidad na parating ay ang tuwang hatid nito para sa dalawang nagmamahalan maging sa mga taong sa simula’t simula pa lamang ay naroon na upang sila ay suportahan.



Kamakailan lang ay nagpaabot ng mensahe at suporta ang nag-iisang “Mr.Pure Energy” na si Gary Valenciano sa kapwa kapamilya artist na si Sarah Geronimo pagkatapos ng makahulog pusong engagement ng kanyang nobyong si Matteo Guidicelli.

Pagkatapos ng halos limang taon ng kanilang magandang pagsasamahan at maraming ulit ng pagtatanung sa magkasintahan kung kailan ba mangyayari ang pinakaabangang engagement proposal, kanila itong tinuldukan ng aminin sa publiko na ‘officially engaged’ na silang dalawa.



Sa programang ‘’ASAP NATIN ‘TO” ay ipinakita ng Kapamilya singer ang isang diamond ring na ibinigay ng gwapong kasintahan noong ito ay magpropose sa kanya noong November 7 bilang kanilang engagement ring. Sa naturang programa ay binati ang newly engaged na dalaga ng mga kapwa host niya na sina Luis Manzano, Piolo Pascual at Billy Crawford na nagbigay din ng magandang mensahe para kay Sarah.

Photo credits: garyvalenciano | Instagram

Sa kabilang banda, wala man si Gary V sa programang ASAP ay nagawa niya din itong batiin ng magkita sila sa rehersal ng Christmas Station ID Station ng ABS-CBN kung saan personal niya itong nabati at nakita ang diamond engagement ring.

Samantala, masayang ibinahagi ng 55 taong gulang na singer sa kanyang Instagram account ng mga larawan nila ni Sarah na nilagyan niya ng caption na,

“No I didn’t appear on ASAP NATIN ‘TO today but I did go after to shoot for our Christmas Station ID. –It was then that I saw and approached to see her ring and congratulate her. What a ‘precious precious soul this girl is. We will always be around for you both Sarah. You’ve grown up to become a fine young woman. We (heart-emoticon) you dearly. Our prayers are with you both”

Photo credits: garyvalenciano | Instagram

Ilang mga netizen naman ang nagkomento sa post ng “Sana Maulit Muli” singer na nagpapa-abot ng pagbati sa idolong Sarah ganoon din kay Gary V. dahil sa ‘sweet na messages’ nito sa dalaga,

“imamaebaptista Thank you for loving our SG we love you pure energy!”
“charla17 That’s why I admire and love Mr. pure Energy –congratulations @justsarahgph”
“joanacali11 Na touched pa aq sa message – –Sobrang bait po ni mam Sarah”
“its_ilan15 My two idol (heart) I’m crying now too see you both, yours such a very2 good heart and very God fearing”
“gerliefloresca Awe sir gary – Sobrang blessed talaga po ni ate Sarah kasi napapaligiran din sya ng mga taong katulad nyo. Thankyou po!”



Masasabing minsan ay may hatid talagang kaba at takot ang mga pagbabagong magaganap sa ating buhay ngunit sa tulong ng mga taong handang sumuporta at manalangin ay magiging mas madali itong kakaharapin.

error: Content is protected !!