Connect with us

Entertainment

“Mother died before I became clean”: Barron Geisler, Naging Emosyunal Matapos Ibahagi ang Biggest Regret sa Buhay Niya

Hindi na napigilan pa ng aktor na si Barron Geisler ang maging emosyunal matapos ibahagi ang hindi makakalimutang karanasan na kanyang labis na pinagsisihan sa buong buhay niya. Ito nga ay matapos mawalan ng hininga ang kanyang ina na hindi man lang siya nakikita nagbago, bilang isang mabuting tao.

Sa isang vlog na ibinahagi ni Toni Gonzaga, nito lamang ika-4 ng Abril, Easter Sunday, ay binalikan ni Barron ang mga sandaling dumalaw siya sa silid ng kanyang ina bago magtungo sa retreat. At sinabi pa niya na muli silang magkikita sa kanyang pagbabalik.

“I was preparing to go to a 5-day retreat. And I was sober for a while. So I went to her room…nakaputi ako nito, long hair, may bigote..’Mom, Baron here. Good boy. I’m gonna go to this retreat, I’ll see you when I get back.”

Kwento ni Barron, ay nagawa pa niyang makausap at makapagpaalam sa kanyang ina. At tila may nais pa itong sabihin sa kanya kung saan ay pinipilit umano nitong tumayo bago bawian ng buhay.

“Parang sa pelikula, she tried to stand up and say something and sabi ko, ‘what is it?’ Feeling ko, on a happier note, baka sa long hair ko at bigote ko, akala niya ako si Jesus.”

Mas lalo namang naging emosyunal si Barron habang itinutuloy ang kanyang kwento at tuluyan na ngang napaluha. Pagbubunyag ni Barron ay nakaramdam siya na tila may kakaiba sa kanyang ina. Dito na nga niya sinuri ang mata nito gamit ang penlight, at unti-unti na nga itong nagdi-dilate. At dito na napagtanto ni Barron na tuluyan ng nawalan ng ulirat ang kanyang ina.

“I sort of knew so kumuha ako ng penlight chineck ko yung mata ni mommy. And slowly, slowly nagdi-dilate. That’s when I knew we lost her.”

Photo credits: toni talks | Youtube

Lumuluha namang ibinahagi ni Barron na ang pangarap niya, ay ang makita siya ng kanyang ina na nagbagong buhay bilang isang mabuting tao. Pag-amin naman ni Barron magmula ng pumasok sa buhay niya ang Diyos, ay nasumpungan niya pagbabagong kanyang hinahangad.

Photo credits: toni talks | Youtube

Pagbabahagi pa ng aktor, ay marami ang nagsasabi sa kanya na ipinagmamalaki siya ng kanyang ina dahil nagawa niyang magbago. At ngayon nga, ay isa na siyang mabuting tao at isang mapagmahal na asawa at ama sa kanyang nabuong pamilya.

Photo credits: toni talks | Youtube

“My dream kasi nung time na yun was for my mom to see me clean…But a lot people are saying naman na…ang dami naman na nagsasabi ngayon na she’s proud of you now.”

May mga pagkakataon rin raw na kinakausap niya ang kanyang ina, kung saan sinasabi niya rito, na sana raw ay nasa tabi niya ito dahil may anak na siya.

“May times nga na para akong baliw e. I still say a little shoutout kay mom. I wish you were here. Kasi may baby ako na di niya naabutan, apo niya. Lahat ng mga anak ng kapatid ko naabutan niya.”

Photo credits: toni talks | Youtube

Matapos masangkot sa mga samut saring isyu at gulo, ngayon nga ay napakalaki na ng nabago sa buhay ni Barron matapos magkaroon ng isang pamilya, at napakacute na anak. Masayang naninirahan si Barron sa Cebu kasama ang kanyang asawang si Jamie Evangelista at kanilang anak na si Talitha Cumi.

error: Content is protected !!