Connect with us

Entertainment

“Most difficult dream to come true”: Andrea Brillantes, Masayang Ibinahagi na Naisakatuparan na ang Kanyang Dream House Matapos ang Sampung Taon

Ang aktres na si Andrea Brillantes, ay isang sikat na artista sa industriya sa showbiz. Bata pa lamang ay pinasok na ni Andrea ang showbiz kung saan ay nagsimula at unang nasilayan sa children gag show na Goin’ Bulilit. Dahil may natatagong galing sa pag-arte si Andrea, ay agad siyang nakilala ng publiko kung saan ay talagang ipinamalas ang kanyang husay.

Hindi naman naging madali ang pinagdaanan ni Andrea upang maabot ang kanyang mga pangarap. Kabilang sa mga pangarap ng aktres ay ang magkaroon ng sariling bahay na kung saan ay magsisilbing tahanan ng kanyang pamilya.




Mahirap man ang pinagdaanan, ay hindi ito naging hadlang kay Andrea upang ipagpatuloy ang pagtupad sa kanyang mga pangarap. Kaya naman, mas lalo pa siyang nagsumikap at tiniyak na ang perang kinikita sa kanyang trabaho ay napupunta sa tama.

Ginawa nga ng lahat ni Andrea ang lahat para sa kanyang pangarap, at matapos nga ang sampong taon ay naisakatuparan na ng teen star ang kanyang dream house.

Photo credits: Andrea Brillantes | Instagram

Photo credits: Andrea Brillantes | Instagram

Kamakailan lamang, ay ipinasilip ni Andrea sa Instagram ang kanyang bagong bahay na bunga ng kanyang pagsisikap.

Ayon naman kay Andrea, ang dream house umano ang pinakamatagal at pinakamahirap matupad sa kanyang mga pangarap. Saad pa nga ng aktres, bata pa lamang siya ay talagang nagsumikap na siya para matupad ang pangarap na ito.

“You were my longest ( 10 years ) and most difficult dream to come true. You have always been at the back of my mind since I was young pushing me to work harder.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Pagbabahagi naman ng 17 taong gulang na aktres, ay malaki ang kanyang pasasalamat at labis ang kanyang kaligayahan na sa kabila ng mga pagsubok at hindi inaasahang pangyayari noong nakaraang taon, ay nagawa niyang mapatayo at matapos ang kanyang dreamhouse ngayong taon.




“I’m so happy you made it this year with everything that happened, I’m soooo happy.”

Ipinaabot rin ni Andrea ang kanyang pasasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa kanyang karera magmula sa simula. Dagdag pa nito, ay wala umano siya sa kinaroroonan niya ngayon kung wala ang mga taong nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

“To my BRILLANTS! thank you for always having my back and supporting me since day 1! I swear I wouldn’t have come this far without you all.”

“Happy New Year everyone!!!! May we all be blessed and have breakthroughs this 2021.”

Matatandaan naman na noong nakaraang Pebrero nang ibahagi ni Andrea sa Instagram na malapit nang matapos ang kanyang dream house na noon ay nasa 60% na.

“Take delight in the Lord, and he will give you the desires of your heart.”
“Psalm 37:4 With God and hard work, nothing really is impossible Still can’t believe my dream house is 60% done! Thank you for all the love and support, everyone! God bless and have a happy, happy Sunday.”

error: Content is protected !!