Connect with us

Entertainment

“Money does not buy happiness”: Andi Eigenmann, Nais Lumaking Hindi Maluho ang Kanyang mga Anak

Ang dating aktres na si Andi Eigenmann ay nakasanayan na ang simpleng pamumuhay matapos iwan ang mundo ng showbiz. Kaya naman, nais rin niyang matutong mamuhay ng simple, at huwag lumaki sa luho ang kanyang mga anak.
Noong ika-25 ng Oktubre, ay ibinahagi ni Andi sa kanyang vlog na mapapanood sa kanyang Youtube Channel na nais niyang lumaki sa simpleng pamumuhay at hindi maluho ang kanyang mga anak na sina Ellie at Lilo. At ayon sa aktres ay gagawin niya ang kanyang makakaya upang mapalaki ang mga anak sa paraang nais niya.




Paglalahad naman ni Andi, ay madalas umano niyang ipost sa Instagram, ang pagnanais niyang maging isang mabuting tao nang sagayon ay maging isang magandang ihemplo siya sa kanyang mga anak.
Pag-amin naman ni Andi, minsan raw sa buhay niya ay nahumaling siya sa mga materyal na bagay, at ang tawag niya nga rito ay retail therapy. Dahil nga napapagod siya sa trabaho, ay ito umano ang nakita niyang paraan upang mapasaya ang sarili o pinaka-reward niya sa sarili.

Ngunit, dumating umano ang pagkakataon na napagtanto niya sa sarili, na hindi pala natatagpuan sa materyal na bagay o karangyaan ang tunay na kaligayahan.

“In my opinion, money does not buy happiness.”

Photo credits: Andi Eigenmann| Instagram

Matatandaan nga noong 2018, kung saan ibenta niya ang kanyang mga mamahaling kagamitan kasama na ang kanyang sasakyan. Sa mga panahong ito, ay nanirahan si Andi sa Baler, Quezon at sa tuwing may proyekto ay nagko-commute na lamang ang aktres upang marating ang kanyang destinasyon.

Photo credits: Andi Eigenmann| Instagram

Sa kaparehong taon naman, ay nakilala niya ang kanyang partner ngayon na si Philmar Alipayo, at nagpasya na nga si Andi na manirahan sa Isla ng Siargao. Pagbabahagi nga ng aktres, ay malaki ang naging papel ni Philmar sa buhay niya upang matutunan ang simpleng pamumuhay. Ang kanya ngang malaking pagbabago mula sa materialistic patungo sa pagiging non-materialistic ngayon ay si Philmar ang dahilan.

Photo credits: Andi Eigenmann| Instagram

Bukod nga rito, ay nalaman rin ni Andi kahalagahan ng isang matibay na relasyon na puno ng pagmamahalan sa pagbuo ng masasayang ala-ala kaysa sa mga panandaliang bagay.

“Philmar was also a big aspect of this. He was the person that made me realize how much more important it was to live in the moment.”

Photo credits: Andi Eigenmann| Instagram

“And build more meaningful relationships, and spend your money creating all of these memories rather than things you’ll probably won’t remember.”

Samantala, habang maliit pa ang kanyang mga anak, ay tinitiyak ni Andi na maturuan ang mga ito na mamuhay ng simple, at makontento sa mga bagay na mayroon sila sa isla. Nais nga ng aktres na huwag lumaki sa luho ang kanyang mga anak upang makita ang kahalagahan ng bawat bagay. Na kung saan ay mas pahalagahan ng mga ito ang masasayang karanasan kasama ang mga tao, kaysa ang mga materyal na bagay.

Photo credits: Andi Eigenmann| Instagram

“It just means raising them to learn how to be grateful and appreciative and find happiness in experiences, in other people, and in themselves. And not have to rely on material things to get motivation or to be happy.”




Matatandaan nga na minsan nang ipinamigay ni Andi ang mga laruan ni Ellie, upang maglaro na lamang ito ng mga bagay na makikita sa isla. At ngayon nga, ay nagkukusa na umano itong ipamigay ang mga kagamitan na hindi na gaanong kailangan.

Photo credits: Andi Eigenmann| Instagram

Ang panganay na anak ni Andi na si Ellie, ay anak niya sa dating nobyo na si Jake Ejercito. Samantalang si Lilo naman, ay anak niya sa kanyang partner ngayon na si Philmar Alipayo. Nalalapit na ring madagdagan ang bundle of joy ng kanilang pamilya sa nalalapit na pagsilang ni Andi sa 2nd baby nila ni Philmar.

error: Content is protected !!