Connect with us

Entertainment

Mommy Pokie, Ibinahagi Ang Pinakamatinding Hamon Sa Relasyon Nila Ng Amerikanong Boyfriend Na Si Lee O’brian

Published

on

Ang mga pagsubok at hamon na nararanasan ay bahagi na ng isang relasyon upang mapanatiling matatag ang pagsasama. Kasama nariyan ang mga mata ng mga taong mapanghusga na kung saan ay may masasabi at masasabi pa rin kahit na anong gawin mo. Ngunit, kapag ang pundasyon naman ng isang relasyon ay naging matatag at nalampasan ang mga pagsubok, tiyak na makakamtam ang isang masayang relasyon habang-buhay.




Sino nga ba ang mag-aakalang ang komedyanteng si Pokwang na mahilig magbigay ng kaligayahan sa publiko ay nakakaranas rin ng mga pagsubok? Ito nga ang pinakamatinding pagsubok sa relasyon nila ng Amerikanong boyfriend na si Lee O’Brian, ang panghuhusga ng mga tao na ginagamit lamang siya nito.

Sa programang “I Feel U”, na pinangungunahan ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, nang makapanayam ang komedyante, ibinahagi niya ang kanyang saloobin patungkol sa tanong kung ano nga ba ang pinakamatinding pagsubok na naranasan sa relasyon nila ng kanyang boyfriend.

“Actually hanggang ngayon pinagdadaanan pa rin namin…‘Naku gagamitin ka lang niyan.’ Hindi sila maka-move on sa ganun. May anak na kami, hindi pa ba sapat na katibayan ito na nagmamahalan kami? Na iniwan niya kung ano ang meron siya doon at hindi niya alam kung anong haharapin niya dito,” paliwanag ni Pokwang.

Ngunit, ang mga sinasabing ito ng mga mapanghusgang tao ay balewala na lamang kina Pokwang, dahil ang mas mahalaga para sa kanila ay alam nila kung ano ang tunay na nararamdaman nila para sa isa’t isa.

“Dedma na lang kami kasi mas kilala namin ang isa’t isa e,” sabi ni Pokwang.

Samantala, nang madako naman ang katanungan kung ano ang kanilang sikreto sa pagkakaroon ng isang matibay at matatag na relasyon, agad naman itong sinagot ni Pokwang nang nakangiti at sinabi:

“trust and respect.”




Nang si Lee naman ang tanungin kung nakaramdam ba ito ng spark nang makita si Pokwang ay masaya nitong sinagot ang tanong ng:

“It was way after the shooting. It was after we premiered the movie here. That’s when I realized that maybe there’s a possibility.”

Dahil nga sa tunay at wagas na pagmamahal na alay para sa isa’t isa, nananatiling matatag ang relasyon nina Pokwang at Lee. At ngayon nga ay limang taon na silang magkarelasyon kung saan ay biniyayaan na ng isang napakacute na supling, na dalawang taong gulang na, si Malia.

Matatandaan na noong 2014, nagkatambal ang dalawa sa pelikulang “Edsa Woolworth”.

error: Content is protected !!