Connect with us

Entertainment

Mommy Pauleen Luna, Proud na Ibinahagi ang Unang Araw ng Ballet Class ng Napakacute na si Baby Tali

Ang mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto ay talagang napakapalad sa pagkakaroon ng napakacute at talentadong anak na tulad ni Baby Tali. Madalas ngang ibahagi ni Mommy Pauleen sa kanyang social media account ang mga nakakatuwang videos ni Baby Tali kung saan ipinapamalas ng munting bata ang kanyang kabibohan.

Photo credits: Pauleen Luna Sotto | Instagram

At dahil nga sa kabibohan at talentong taglay ni Baby Tali, hindi maikakaila ang pagiging proud parents nina Pauleen at Bossing Vic. Bata pa lang nga, ay nakikitaan na ng talento si Baby Tali sa pagsayaw, at talagang nakahiligan na rin nito ang pagti-Tiktok na kung saan ay bigay todo sa pagsayaw.




Talaga namang marami ang natutuwa at naaaliw na netizens sa cute na batang si Baby Tali sa tuwing mapapanood ang mga Tiktok videos na ibinabahagi ng kanyang Mommy Pauleen.

At ngayon nga, ay may bago na namang pinagkakaabalahan si Baby Tali upang mahasa ang kanyang galing sa pagsayaw. Ito nga ang ballet class kung saan ipinasok siya ng kanyang Mommy Pauleen. Ang unang araw sa klase ni Baby Tali ay masaya namang ibinahagi ni Mommy Pauleen sa kanyang Instagram.

Sa post nga ni Mommy Pauleen sa Instagram, ay talagang proud na proud siya sa kanyang anak na makikitang enjoy na enjoy sa pagsayaw sa unang araw ng klase.

“1st day of Ballet Class with Teacher @margarita.ally,”

Photo credits: Pauleen Luna Sotto | Instagram

saad ni Pauleen sa kanyang IG.

Makikita rin na maiging nakikinig at sumusunod si Baby Tali sa kanyang coach na si Teacher Margarita Ally. Maging si Teacher Margarita ay masaya at naeenjoy rin ang pagtuturo kay Baby Tali dahil madali lamang niya itong turuan at agad nakukuha ang bawat steps at gagawin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

Maririnig naman sa background ng video ang tinig ni Mommy Pauleen na todo suporta sa anak at tuwang-tuwa rin dahil mabilis matuto si Baby Tali ng mga steps.

Dahil nga sa ipinamalas na husay ni Baby Tali sa unang araw ng kanyang ballet class, ay hinangaan at pinuri ang munting bata ng mga netizens na talaga namang giliw na giliw sa napakacute na si Baby Tali. Narito ang komento ng ilang netizens:

“I always have smile in my face everytime I watched her video cute tali💖💖💖”
“Hello cutie pie baby Tali Ang cute mo tlaga❤️ always stay safe team bosleng💞”

“Very good nmn c baby tali nice talaga pagmaagang na naturuan ang bata madaling sumunod even sa ibang activities good work mommy and daddy and stay as good baby tali 😁😁😁 God bless us all!”




Si Baby Tali ang bunsong anak ni Bossing Vic at ang panganay na anak naman ni Pauleen. Magmula nang dumating si Baby Tali sa buhay ng mag-asawa, ay napuno ito ng saya at kulay dahil sa matatamis na ngiti ng kanilang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

error: Content is protected !!