Connect with us

Entertainment

Mommy Dionisia, Ipinasilip Ang Loob Ng Kanyang Tahanan Sa General Santos City

Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa ina ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao? Lahat naman tayo ay kilalang-kilala si Mommy Dionisia dahil sa kanyang labis na pagmamahal sa anak na si Manny, na talagang walang sawang nakasuporta sa bawat laban sa larangan ng boksing ng kanyang anak.

Screenshot: Jinkee Pacquiao Youtube Channel




Walang duda na mahal na mahal nga nito si Manny at kanya itong napalaki bilang isang mabuting tao. Malapit rin si Mommy Dionisia sa kabiyak ni Manny na si Jinkee na talagang makikita ang pagkakaroon nila ng mabuting relasyon sa bawat-isa.

Screenshot: Jinkee Pacquiao Youtube Channel

Kamakailan nga nang itampok ni Jinkee si Manny Dionisia sa kanyang vlog na kung saan ay nagbahagi si Mommy D house tour sa kanyang tahanan na matatagpuan sa General Santos City.

Screenshot: Jinkee Pacquiao Youtube Channel




Sa nasabing video, ang mapagmahal na ina na si Mommy D ay unang ipinakita ang mga koleksyon sa ballroom kagaya ng ballroom dancing shoes, figurines, tablewares at marami pang iba. Si Mommy D ay nagtago rin ng ilang mga memorabilias ng mga natamo at napagdaanan ng kanyang anak na si Manny, tulad ng mga tiket sa boksing, mga lumang laruang kotse at marami pang iba.

Screenshot: Jinkee Pacquiao Youtube Channel

Naikwento rin ni Mommy D na sa likod ng mga gamit na tableswares ay nakatago ang isang kwento. Kanya rinh nabanggit na iniingatan niya at tinatago ang mga kagamitan dahil nagpapaalala umano ito sa kanya ng kanilang mga naranasang pagsubok sa buhay.

Screenshot: Jinkee Pacquiao Youtube Channel

“Ito ang mga bagay na memorable sa akin noong mahirap pa ako. Hindi ko talaga ito binalewala, no’ng mga panahong naghihirap kami, ito ang aking souvenir. Oo, mahirap ako, pero kinaya kung maghanap ng trabaho para may maipakain ako sa aking mga anak, at para hindi ko sila nakikitang nahihirapan.”




Naibahagi rin ni Mommy D na sa kabila ng kanilang kahirapan noon, ay nagagawa parin niyang alagaan at itaguyod ng maayos ang kanyang mga anak.

Screenshot: Jinkee Pacquiao Youtube Channel

“ nakikita niyo naman, na kahit wala ng tatay ang mga anak ko ay malulusog parin silang tingnan. Hindi ako nabigyan ng ating gobyerno ng mga iba’t ibang rasyon tulad ng mga pang-vitamin at gatas para sa mga bata.”

May pangyayari pa nga daw na pinuri siya ng isang doktor dahil sa magandang kalusugan ng kanyang mga anak. Na kanya namang naalagan ng maayos at sinabi niya sa doktor na wala siyang anumang natatanggap na tulong mula sa gobyerno. Ngunit, sa kabila nito ay sinabihan parin siya ng doktor na tamang-tama ang pag-aalaga niya sa kanyang mga anak. At saad pa ng doktor na overweight na ang mga ito.

Screenshot: Jinkee Pacquiao Youtube Channel

Sa huling bahagi naman ng video, ipinakita ni Mommy D ang bagong tayong kapilya kung saan ay kadalasan siyang naglalaan ng oras dito.




error: Content is protected !!