Connect with us

Entertainment

Mommy Anne Curtis, Ibinahagi ang Adorable Moments nila ni Baby Dahlia Habang Kinakantahan at Tinuturuan niya ng Hand Gestures

Published

on

Talaga nga namang napakasarap damhin ang bawat sandali habang ang mga anak natin ay mga sanggol pa lamang. Bawat sandali na kasama sila ay ating pinapahalagahan sapagkat ang paglipas ng panahon ay napakabilis na kung saan ang kanilang paglaki ay hindi natin namamalayan.




Kagaya na lamang ng mag-inang Anne Curtis at Baby Dahlia na nakakatuwang pagmasdan ang kanilang adorable moments habang sila’y magkasama.

Ang new mommy na si Anne Curtis ay muli na namang ipinasilip ang kaibig-ibig na bonding moments nila ni Baby Dahlia na nakunan ng video.

Sa Instagram post, ibinahagi ni Anne ang isang video kung saan makikita na kinakantahan niya ang anak ng

“Twinkle Twinkle Little Star” at seryoso namang nakikinig sa boses ng ina si Baby Dahlia.

“One of our favorite things to do together… she’s so observant now… And…. I think she likes mummy’s voice,” saad ni Anne sa post.

At pagkatapos namang kantahan ni Mommy Anne si Baby Dahlia, tinuruan naman niya ito ng hand gesture. Nakakaaliw makita na si Baby Dahlia ay sumunod naman sa turo ng ina.

“Wait till the end for our new achievement unlocked. Although I feel chamba but still kilig. Haha. Excited to eventually teach her close-open, arimunding-munding and beautiful eyes,”masayang pahayag ni Anne na hindi maitago ang excitement.




Kamakailan rin lamang nang magdiwang si Baby Dahlia ng kanyang ika-tatlong buwang kaarawan. At ibinahagi nga ni Mommy Ann sa Instagram, na sa pagdaan lamang ng ilang buwan ay malaki na ang pagbabago kay Baby Dahlia.

“The 2nd of June, was her 3rd month of life. I feel like time is moving slowly yet so fast at the same time. So much has changed. She’s not a little newborn anymore. I miss it already BUT I’m also very much in love with all the new things I see her learn and discover each day. Like how much she curiously loves looking at her own hands right now”

Si Baby Dahlia ang unang anak ni Anne Curtis at asawa niyang si Erwan Heussaff na kung saan ay nagbibigay saya at kulay sa kanilang pagsasama at pamilya.

 

error: Content is protected !!