Connect with us

Entertainment

Mommy Andi Eigenmann, Isang Practical Mommy! Ibinahagi ang Gawang DIY Toy Kitchen Set Para sa kanyang mga anak na si Baby Lilo at Ellie

Ang aktres na si Andi Eigenmann ay nakasanayan na ang simpleng pamumuhay magmula ng manirahan sa isla ng Siargao kasama ang kanyang partner na si Philmar Alipayo. Maliban nga sa pagiging simple ni Andi, isa rin sa bagay na hinahangaan sa kanya ay ang pagiging praktikal niyang ina.



Matatandaan na minsan ng ibinahagi ni Andi, na pagdating sa laruan ng kanyang mga anak, ay tinuruan niya ang mga itong maglaro gamit lamang ang mga bagay mula sa kalikasan tulad ng sanga ng puno, bunga ng niyog at mga kahoy na laruan.

Photo credits: Andi Eigenman | Youtube Channel    

Kaya naman, ang pagiging praktikal niya at hindi pag-spoiled sa kanyang mga anak ay malaking bagay upang mapalaki ng maayos ang mga ito.

At kamakailan lamang, nang muling ipamalas ni Mommy Andi ang kanyang pagiging praktikal. Sa latest vlog na mapapanood sa Youtube channel ng kanilang pamilya na Happy Islanders, masayang ibinahagi ng aktres kung paano niya ginawa ang napakagandang DIY Toy Kitchen Set para kay Baby Lilo at Ellie.

Photo credits: Andi Eigenman | Youtube Channel

Photo credits: Andi Eigenman | Youtube Channel



Photo credits: Andi Eigenman | Youtube Channel

Katulong ang kanyang anak na si Ellie ay sinimulan na nilang gawin ang DIY Toy Kitchen Set. Gamit lamang ang mga recycled materials tulad ng kahon ay sinimulan na nilang bumuo ng nasabing laruan. Ayon nga kay Andi, mas maganda umanong gumamit ng recycled materials na makikita sa loob ng tahanan dahil bukod sa libre at nakakatipid, ay mababawasan pa ang mga kalat sa bahay.
Bawat hakbang at proseso sa pagbuo ng DIY Toy Kitchen set, magmula sa stove base hanggang sa disenyo nito ay malinaw na naipaliwanag ng aktres ang mga detalye, sa tulong na rin ng pagpapakita ng bawat parte ng naturang laruan.

Photo credits: Andi Eigenman | Youtube Channel

Matapos nga ang dalawang araw ay nasilayan na ang finished product ng DIY Toy Kitchen Set nina Baby Lilo at Ellie. Nakabuo nga si Andi ng oven, sink, at refrigerator gamit lamang ang mga kahon. Makikita na talagang napakaganda ng pagkakagawa ni Andi sa naturang toy kitchen set. Ang disenyo nito ay detalyado na tila kapareho ng nabibiling toy kitchen set sa mga mall. Ang ilang laruan naman ay ang mga lumang kahoy na laruan ni Ellie na nilagyan naman ni Andi ng disenyo.

Photo credits: Andi Eigenman | Youtube Channel

Makikita naman na masayang-masaya ang magkapatid sa paglalaro sa gawang kitchen toy set ng kanilang Mommy Andi. Ayon nga kay Andi, ay masaya siyang makita na na-aapreciate ng kanyang mga anak ang mga simpleng bagay. Bagama’t, kaya namang ibigay ni Andi ang mga mamahaling laruan sa kanyang mga anak, mas pinili parin ng aktres na wag sanayin sa luho ang mga ito upang makontento sa mga simpleng bagay na meron sila. Maganda rin ito, dahil nakasama pa niya ang mga anak sa paggawa. At ito nga ay naging bonding moments rin nila.



Sa huli nga, ay hinikayat rin ni Andi ang mga mommies na tulad niya na gawin rin ito ng kasama ang anak dahil tiyak na mag-eenjoy talaga sa paggawa.

Tunay nga na madiskarte at praktikal na ina si Andi. Bukod sa nakatipid ay nabigyan pa niya ng kaligayahan ang kanyang mga anak sa simpleng paraan na kaya niya.

error: Content is protected !!