Connect with us

Entertainment

Modelong Anak ni Jericho Rosales na si Santino, Ibinahagi ang Karanasan sa Pamamahala ng Restaurant Business sa Gitna ng Pandemya

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi parin natatapos ang ating pakikipagsapalaran sa krisis na dulot ng pandemya. Kaya naman, ang karamihan sa atin ay gumagawa ng paraan upang magkaroon ng pagkakakitaan para may pantustos sa ating mga pangangailangan.

Bagama’t, marami ang naapektuhan ng krisis, may ilan namang patuloy paring isinasalba ang mga negosyo kahit nasa gitna ng pandemya. Katulad na lamang ng anak ng aktor na si Jericho Rosales na si Santino Rosales na namamahala ng restaurant business nila ng kanyang inang si Kai Palomares.




At ngayong pandemya nga, bagama’t napakahirap ng kalagayan ng bawat isa dahil sa COVID-19, ay nagpapasalamat parin si Santino, sapagkat pinayagan ng gobyerno na magbukas ang ilang negosyo kagaya na lamang ng restaurant business. Si Santino ang namamahala ng restaurant business nila ng kanyang ina na pinangalanang “Kaisaint” na matatagpuan sa Parañaque City.

At ngayon ngang nasa gitna ng pandemya, sa naging panayam ng ABS-CBN News, ibinahagi ng batang modelo kung ano ang naging karanasan niya sa pagbabagong ginawa niya sa pamamahala ng kanilang negosyo.

Ayon nga kay Santino, ay may mga bagay na dapat isaalang-alang upang mapanatiling ligtas ang kanyang mga empleyado, maging ang kanilang mga customer. At bilang pagsunod sa safety protocols ng gobyerno, ay tanging mga take out orders at deliviries ang kanilang serbisyo ngayon.

“We were forced to adapt to the situation and were blessed enough that the government allowed us to operate. We then shifted to pushing for takeout and deliveries which we still do now.”




Pagbabahagi naman ni Santino, tumatanggap naman ang kanilang restaurant ng dine in, ngunit kinakailangan munang magpa-reserve.

Ayon pa kay Santino, kaya umano restaurant business ang napili nilang negosyo ng kanyang ina ay dahil malaki ang pagkahilig ng kanyang ina sa pagkain. Kaya naman, noong magsisimula pa lang sila sa negosyo, ay negosyong nasa food industry na agad ang kanilang napiling pasukin.

“And throughout the years, my mom has been in the food and hospitality business… So it seemed like an endeavor that was very favorable.”

Talaga namang kahanga-hanga si Santino sa ipinapakita niyang determinasyon pagdating sa negosyo. Samantala, maliban naman sa pagiging isang entreprenuer, ay isa ring modelo ang gwapong anak na ito ni Jericho na hindi maikakaila na namana ang kanyang magandang katangian.

Ngunit, taliwas sa landas na tinahak ng kanyang ama bilang artista, mas nais ni Santino na mag-focus sa kanyang karera bilang isang modelo at gumawa ng sariling pangalan sa mundo ng modeling upang patunayan ang sariling kakayahan. Si Santino ay nasa ilalim ngayon ng management contract ng Viva.

“It’s really just about showing people that I am my own person, I have my own things that I am very passionate about. My career path will also develop very differently from his as I would like to focus on building businesses and modeling. I aim to show people that I am not an extension of someone else.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Santino Rosales (@santino_rosales) on

error: Content is protected !!