Connect with us

Entertainment

Model-Businessman Boyfriend ni Chad Kinis na si Nikko Chua, Pinatunayan ang Kanyang Pagmamahal sa Komedyante sa Kabila ng mga Natatanggap na Panghuhusga

Si Chad Kinis ay lumilikha ng kanyang sariling pangalan ngayon sa industriya ng showbiz bilang isang mahusay na komedyante at sa online world naman bilang isang YouTuber.

Credit: Chad Kinis | Instagram

Kinabibiliban nga ang husay ni Chad sa pagpapatawa at paghahatid ng goodvibes sa kanyang mga tagahanga dahilan nga upang siya’y sumikat.

Ngunit, hindi lamang karera ni Chad ang umaarangkada ngayon kundi pati na rin ang kanyang buhay pag-ibig na puno ng saya at kulay. At noong nagdaang June 17 lamang nang isapubliko ng miyembro ng Beks Battalion na si Chad, na siya’y masayang-masaya sa piling ng kanyang boyfriend na si Nikko Alano Chua, isang modelo at businessman.

Ito nga ay matapos ang sunod-sunod na post sa social media ng komedyante kung saan makikita ang masaya nilang bakasyon sa isang mamahalin at kilalang resort sa Batangas. At magmula nang isapubliko nga nila ang kanilang relasyon, ay dinagsa sila ng mga bashers.

Credit: Facebook | Image

Ngunit, sa kabila ng maraming negatibong komento at panghuhusga na kanilang natatanggap mula sa publiko, kamakailan lamang ay pinatunayan ni Nikko ang kanyang tunay at wagas na pagmamahal kay Chad Kinis.

Sa Facebook ay isang appreciation post ang ipinaabot ni Nikko kay Chad kung saan ay mababakas ang kanyang pagmamahal sa tinawag pa niyang “one and only” babe. Buong tapang na binuweltahan ng Mr. Mossimo 2018 na si Nikko ang mga basher, kung saan sinabi nga nito na “no one could ever destroy us”.

Credit: Facebook | Image

Ayon pa sa post ni Nikko, bagama’t nag-aaway sila paminsan-minsan ay gagawain umano nito ang abot ng kanyang makakaya upang mas lawakan pa ang pang-unawa. At sa pagiging public figure ni Chad, hindi man nila maiwasan ang maraming negatibong komento mula sa publiko, ay sisikapin umano nilang maging positibo sa anumang aspeto ng buhay sa tulong na rin ng mga taong sumusuporta sa kanila.

“There might be instances that we’ll fight but I will try my best to always understand you and make it more easier for us to be aight.”

“Being a public figure could harm our relationship because there are so many negativities surrounding us both without even knowing but despite all of that we could do everything with the help of every positivities we have — which is our love for each other and from the people that’ll support and that’s supporting us.”

“No one could ever destroy us. Specially that we have everything by the faith in God. You’re a Godsent, babe!

“I wanted to make every day of your year, decade and even century (if I am able to do so) extraordinary! I love you!”

Credit: Nikko Alano Chua | Instagram

Maraming netizens ang nagsasabi na pera lamang umano ang habol ni Nikko kay Chad at ginamit lang ang komedyante para sumikat. Ngunit, ang bagay nga na ito ay mariing itinanggi ni Nikko.

“Sanaol mapera. Sigurado yan, pag lipas na at wala nang pera si chad iiwanan mo rin yan. Hahaha,”komento ng netizen.

Diretsahan naman itong sinagot ni Nikko kung saan ay inimbitahan pa ang mga negang basher sa resto at aesthetic clinic ng kanilang pamilya para patunayan na hindi pera ang habol niya sa karelasyon.

“Come visit my resto and clinic sponsoran ka namin ng mom ko at sister ko. (wink emoji).”

Credit: Nikko Alano Chua | Instagram

Samantala, nagpasalamat naman si Chad kay Nikko sa ginawa nitong pagsasalita at pagtatanggol sa kanilang relasyon.

”This means a lot to me babe. Thank you for being proud and accepting me. Thank you for coming into my life.”

error: Content is protected !!