Connect with us

Entertainment

Miss Universe Philippines Rabiya Mateo, Pinahanga ang Publiko sa Angking Kaseksihan sa Suot na Latex Swimsuit

Matapos magwagi at maiuwi ang korona noong nakaraang taon buwan ng Oktubre ng tubong Iloilo na si Rabiya Mateo sa prestihiyosong beauty pageant sa bansa na Miss Universe Philippines, ay pinatunayan niya na siya nga ang karapat-dapat magmay-ari ng korona upang maipagmalaki ang bansang Pilipinas sa buong mundo.




Photo Credits: Google.com

Sumailalim sa iba’t ibang klase ng training si Rabiya upang mas lalo pa niyang mapaunlad ang kanyang sarili. Marahil nga, marami ang talagang humanga sa kanyang angking talino upang masagot ang katanungan ng hurado. Hindi naman maikakaila na bukod nga sa pagiging matalino, ay kahanga-hanga rin ang taglay niyang natural na kagandahan. At siyempre, pagdating sa usaping paseksihan ay hindi rin papahuli ang napakagandang si Rabiya sa suot na swimsuit.

Photo Credits: Rabiya Mateo | IG

At kamakailan nga, ay mas pinainit ni Rabiya ang summer season ng kanyang makalaglag pangang kaseksihan. Tila nga ang kanyang pagsusumikap sa mga pinagdaanang training ay nagbunga na. At ngayon nga, ay makikita ang husay niya umawra sa harap ng camera.




Talaga nga namang kahanga-hanga ang magandang hubog na katawan ni Rabiya sa suot niyang laatex swimsuit. Masisilayan nga ang kanyang natatanging kagandahan ag kaseksihan.

Photo Credits: Rabiya Mateo | IG

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng MUP organization ang larawan ni Rabiya na talagang maipagmamalaki ang taglay na kasekskhan habang nakasuot ng one piece lates swimuit na dinisenyo ni Bessie Besana. Tila nga handa na si Rabiya na humarap sa kompetisyong kalalahokan ng buong mundo.

Photo Credits: Rabiya Mateo | IG

“Only two months to go, universe! Here’s a splash to set your summer on fire.”

Ang 69th Miss Universe pageant ay gaganapin sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood sa ganap na 8pm sa darating May 16, araw ng Linggo. Ang nagwagi noong nakaraang taon na si Zozibini Tunzi ng South Africa, ay ipapasa ang Mouawad pageant crown sa magwawagi ngayong taon.

Photo Credits: Google.com

At tiyak na malaki ang tyansa ni Rabiya na maiuwi ang korona dahil na rin sa kanyang tiwala sa sarili na hindi nagpapadaig kanino man. Ang goal nga ni Rabiya ay mauwi ang korona na ipagmamalaki sa buong mundo. At ang magwagi bilang pang limang Miss Universe, ay talagang isang malaking karangalan.




Photo Credits: Rabiya Mateo | IG

Ilan naman sa mga naging matagumpay sa Miss Universe, na pinatunayan ang taglay nilang beauty and brain, ay sina Catriona Gray (2018), Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).

error: Content is protected !!