Connect with us

Uncategorized

Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters, Isinilang Na Ang Panganay Na Anak Nila Ng Kanyang Asawang si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte

Masayang sinalubong ni Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters at kanyang asawang si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte ang pagdating ng kanilang panganay na anak.

Sina Rachel at ang kanyang fiancee na si Camarines Sur Governor Migz Villafuerte ay naengaged noong 2019 at ikakasal sana sa Indonesia ngunit sa pananalasa ng pandemya ay nakansela ito. Hindi naman natuloy ang kanilang pag-iisang dibdib noong nakaraang taon, ay naisakatuparan naman nila ang kanilang kasal noong July 16, 2021 sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremomy na dinaluhan lamang ng kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Bago naman sila maikasal ay nauna na silang biniyayaan ng isang sanggol. Matatandaan nga na noong May 2021 nang ianunsiyo ni Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters ang kanyang pagbubuntis sa panganay na anak nila ni Governor Migz. Sa Instagram ay masayang ibinahagi ng 29-year-old beauty queen ang larawan ng kanyang nakaumbok na baby bump. Nang mga sandaling iyon ay 18 weeks na ang sanggol na kanyang dala-dala sa kanyang sinapupunan.

Ngunit, ang matulin na paglipas ng panahon, ay hindi namalayan ng beauty queen at ng kanyang asawa dahil dumating na nga ang araw na kanilang pinakahihintay para masilayan ang kanilang panganay na anak. Isang napakacute na baby girl ang ipinagkaloob kina Rachel at Migz. At nito lamang ika-13 ng Oktubre ay masayang ibinahagi ni Rachel sa Instagram stories ang cute and adorable photo ng kanyang new born baby.

Simpleng caption naman ang inilakip ng Filipino-British beauty queen sa cute na larawan ng kanyang anak na mahimbing na natutulog. Ayon nga sa caption nito, ay nakauwi na sila.

“We’re home,”caption ni Rachel.

Masayang-masaya naman si Migz at abot langit ang kanyang pasasalamat sa pagdating ng kanilang baby girl. Sa kanya g Instagram account, ay ibinahagi ni Migz ang malapitang kuha ng larawan ng kanilang baby girl. Sa kanyang caption ay hindi maitago ng Gobernador ang labis na pagmamahal sa kanyang anak.

“I’m so in love with you. To God be all the glory.”

Marami naman sa mga sikat na celebrities sa showbiz ang nagpaabot ng pagbati sa pagdating ng kanilang panganay na anak. Ilan sa mga ito ay sina Dani Barretto, Nadine Samonte, Philmar Alipayo, Tim Yap, Phoemela Baranda, Rambo Nunez, Mark Escueta, at Bea Rose Santiago.

Ang Filipino-British beauty queen ay nakilala ng publiko matapos maging representative ng Pilipinas para sa 2017 Miss Universe pageant. At sa taglay niyang husay at kagandahan ay nakapasok si Rachel sa Top 10. Ngunit, matapos nga ang pamamayagpag ng kanyang karera bilang isang beauty queen, ngayon nga ay masaya na siya sa buhay bilang isang ina at asawa.

error: Content is protected !!