Connect with us

Entertainment

Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters at Kanyang Fiancee, Ibinahagi ang kanilang Gender Reveal para sa kanilang parating na Panganay na Anak

Walang pagsidlan ng tuwa ang mag-fiancee na sina Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters at Camarines Sur governor Migz Villafuerte, matapos ianunsiyo ang gender ng kanilang panganay na anak.

Sa latest vlog na mapapanood sa YouTube Channel ni Rachel nito lamang ika-1 ng Hunyo, ay masayang inanunsiyo ng mag-fiancee ang magandang balita sa publiko. At sa nasabing vlog nga, ay ibinunyag ng dalawa ang gender ng kanilang magiging panganay na anak.

Sa loob ng 4 na minutong video ay nagkaroon ang long time couple ng gender reveal sa kanilang baby kasama ang kanilang malalapit na kaibigan at pamilya sa Camarines Sur.

Photo credits: Rachel Peters | Youtube

Tinanong nina Rachel at Migz ang kanilang mga kaibigan at kapamilya, kung ano ang kanilang hula sa gender ng kanilang panganay na anak. At base sa naganap na tally, ay mas marami ang bilang ng humula ng lalaki kesa sa babae. Ang hula naman ni Migs, ay baby boy samantalang baby girl naman si Rachel.

Photo credits: Rachel Peters | Youtube

At sa huling bahagi nga ng video, ay makikitang may hawak silang colored smoke bomb kung saan makikitang naglalabas ng usok na kulay pink. Naging emosyunal nga si Rachel matapos makita ang kulay pink na usok na nangangahulugan na isang baby girl ang kanilang magiging panganay na anak.

Photo credits: Rachel Peters | Youtube

Sina Rachel at Migz ay pitong taon ng magkarelasyon bilang magkasintahan. At noong taong 2019 buwan ng Nobyembre, nang maengaged sila. Ngunit, sa hindi inaasahang pagdating ng pandemya ay nagpasya ang mag-fiancee na ipostponed ang kanilang kasal at ituloy na lamang kapag maayos na ang lahat.

“Even though our plans to get married had to be postponed for now, we decided to make some changes to our lifestyle with one goal in mind: starting a family.”

Photo credits: Rachel Peters | Youtube

Tila naman may magandang kapalit ang nakansela nilang pagpapakasal dahil isang biyaya ang dumating sa kanilang buhay. At noong kalagitnaan ng Mayo, nang ianunsiyo ni Rachel ang nalalapit nilang pagkakaroon ng anak ng kanyang fiancee na si Migs.

“As expected, things were not that easy. It took months of blood tests, trips to the doctor, and different treatments to balance out my hormones to even be able to begin trying for a baby. It was all worth it though, because about a year later, we got the best news ever.”

“We are incredibly grateful for this blessing that’s come at such a crazy time in the world, and we’re so excited to see what the future has in store for us.”

Si Rachel ay isang beauty queen na nakilala at sumikat matapos maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe pageant noong 2017 kung saan ay nakapasok siya sa Top 10.

error: Content is protected !!