Connect with us

Entertainment

Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa, Kinagiliwan ng Netizens Matapos Gawing Photographer ng Kanyang OOTD Ang Ilang Title Holder Beauty Queen

Hindi naman talaga madali ang maging isang beauty queen, maliban nga sa angking kagandahan at talento, ay kinakailangan rin ng talino para masagot ang katanungan sa Q&A portion. At para maiuwi ang korona ay dadaan muna sila sa matinding training sa pagrampa, hair and make up at marami pang iba.

Credits: MJ Lastimosa | IG

Ngunit, kapag naging title holder naman ang isang beauty queen ay may naghihintay pang pagsubok dito. At ito nga ay ang mapahanga ang Miss Universe Philippines 2014 na si MJ Lastimosa sa pagkuha ng larawan ng kanyang mga OOTD. Ilan nga sa mga beauty queen na naging photographer para kunan ang kanyang naggagandahang outfit ay sina Janine Tugonon, Rabiya Mateo, at maging ang newly-crowned Miss Universe Philippines 2021 na si Bea Gomez.

Credits: MJ Lastimosa | IG

At kamakailan nga, ay nag-trending sa social media ang mga nakakatuwang post ni MJ Lastimosa na nilakipan pa niya ng mga witty captions. Bilang isang beauty queen, ay hilig na talaga ni MJ ang magpictorial suot ang kanyang magagandang outfit. Ngunit, hindi naman basta-basta ang mga kinuha niyang photographer, dahil sila nga ay mga title holder beauty queen.

Ang bagong tanghal na MUP na si Bea Gomez matapos magwagi ay agad na isinama ni MJ sa kanyang mga photographers. Kabilang na rin nag mga runners-up na sina Victoria Velasquez Vincent at Maureen Wroblewitz na kung saan ay kinunan ng larawan habang siyang umaawra sa gilid ng pool.

Credits: MJ Lastimosa | IG

Matatandaan naman na noong nakaraang Mayo nang magtungo sa Los Angeles si MJ kasama ang ilang beauty queens, at doon nga ay nasubok ang skills ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo bilang kanyang personal OOTD photographer. Sa Instagram, ay ibinahagi ni MJ ang larawan kung paanong kinunan ng Ilongga beauty queen ang kanyang OOTD.

“Ang husay ng bagong photographer,”saad ni MJ.

Credits: MJ Lastimosa | IG

Samantala, malapit na kaibigan rin ni MJ si Miss Universe 2012 1st runner-up Janine Tugonon. Kaya naman, hindi pinalampas ni MJ na pagkakataon na makunan nito ang kanyang OOTD.

“Walang 1st runner up 1st runner up dito, ayusin mo yan janine_tugonon [emoji].”\

Credits: MJ Lastimosa | IG

Maging si Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup-Lee na isang licensed architect, at ngayon ay MUPH Organization’s national director ay kabilang rin sa mga OOTD photographer ni MJ Lastimosa.

Hindi lamang Miss Universe Philippines titleholders ang naging OOTD photographers ni MJ dahil maging si Reina Hispanoamericana 2017, Teresita Ssen Marquez (Winwyn Marquez), na co-host ni MJ sa Eat Bulaga ay kabilang rin sa kanyang photographers.

Credits: MJ Lastimosa | IG

“Teresita walang reina reina dito kelangan ko ng ootd.”

Ang mga international beauty queens rin na sina Miss Grand International 2020 Abena Akuaba Appiah at Miss Universe Nepal 2020 Anshika Sharma ay pumasa rin bilang OOTD photographers ni MJ.

error: Content is protected !!