Connect with us

Entertainment

Miss Universe 1999 First Runner-up Miriam Quiambao Isinilang Na Ang Kanyang Pangalawang Anak at Kanyang Miracle Baby Sa Edad na 46

Abot langit ang pasasalamat ni Miss Universe 1999 First Runner-up Miriam Quiambao at asawa nitong inspirational speaker na si Ardy Roberto matapos masilayan ang kanilang pangalawang anak.

Credit: Miriam Quiambao | Instagram

Nito lamang ika-12 Hulyo, Lunes ng gabi ay masayang sinalubong ng mag-asawa ang pagdating ng kanilang 2nd baby, at itinuturing rin nilang “miracle baby” na pinangalanan nilang Ezekiel Isiah “Ziki” Roberto.

Sa Instagram, ay masayang ibinahagi ni Miriam ang magandang balita na ito kung saan ipinaabot rin niya ang kanyang pasasalamat sa mga taong nagdasal para maging ligtas ang kanyang panganganak. Kalakip ang larawan nilang mag-asawa kasama ang kanilang new born baby, ay ibinigay rin ni Miriam ang detalye tungkol sa kanyang malusog na baby boy.

Credit: Miriam Quiambao | Instagram

“Good morning! Thank you for your prayers! We are delighted to announce that our miracle baby Ezekial Isaiah ‘Ziki’ Quiambao-Roberto was born at 37 weeks and 1 day on July 12, 2021 at 6:06 pm weighting 7lbs 1oz with a length of 50 cm and APGAR Score of 9/9!! Glory to God!”

Ipinaabot naman ang mensahe ni Miriam sa mga taong nagdasal para sa kaligtasan nilang mag-ina. Aniya, ay magpatuloy lamang sa pagdarasal para sa bagong yugto sa buhay ng kanilang pamilya.

“Thank you to all of you who prayed and journeyed with us this far. Do keep us in your prayers as we transition into a new season of our family life.”

Credit: Miriam Quiambao | Instagram

Labis labis rin ang pasasalamat ni Miriam sa Diyos dahil sa pangalawang pagkakataon ay muli silang biniyayaan ng miracle baby.

Nauna namang nagbahagi ng isang video sa social media ang asawa ni Miriam na si Ardy kung saan makikita ang paghahanda ni Miriam sa panganganak habang nasa hospital.

Samantala, minsan na ring ibinahagi ng dating beauty queen, ang kanyang karanasan sa pagbubuntis sa edad na 46 kung saan ay inilarawan niyang “amazing”.

“It’s not only considered a miracle pregnancy (considering a previous diagnosis of almost infertility for my husband and I) but also this is my second pregnancy!!! As my husband said, it’s like lightning striking twice.”

Credit: Miriam Quiambao | Instagram

Ang kanilang 2nd baby na si Ziki ay itinuturing ring miracle baby na tulad ng kanilang panganay na anak na si Elijah. Sa edad na 46 kasi ay hindi na inaasahan pa ni Miriam na muli siyang mabubuntis sa kabila ng pagkakaroon ng APAS at sa kanyang edad. Kaya naman, hindi matatawaran ang kanilang pasasalamat sa biyayang ito sa kanilang buhay.

Kung matatandaan ay ikinasal sina Miriam at Ardy noong 2014 at ngayon nga ay pitong taon nang nagsasama bilang mag-asawa. Apat na taon naman sila bago biyayaan ng anak, dahil nga sa pagkakaroon ni Miriam ng kondisyon na APAS at dahil na rin sa kanyang edad.

Sa edad na 43 ay nabuntis si Miriam sa kanyang panganay na anak noong 2018, na kanyang isinilang noong February 16, 2019.

error: Content is protected !!